Fifteen

116 9 1
                                    

sa pagtitig sa mga mumunting bituin
sa pagtitig sa bilog at maliwanag na buwan
kasabay ang paglanghap ng panggabing hangin
isinabay ko na rin ang pagtangis
dahil sa pusong nananakit nang labis

sa gabing ito ay magpapaalam na ako
sa lahat nang luha't pasakit
sa lahat nang masasaya't malungkot na mga alaala
magpapaalam na sa'yo

sa susunod na habangbuhay
ikaw at ikaw pa rin
ang aking pipiliin

dito pa rin
sa ilalim ng punong mangga
na may liwanag ng buwan
hihintayin kang muli

paalam,
Mahal.

Her Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon