Note: This is a pre-pandemic poem, quite old one.
DYIP
Sa aking pagsakay
Aking nakita ang iba't ibang klaseng pagod sa mga mata ng mga kasakay
Ang iba nga'y mamikit-mikit na
Ang iilan ay pagod mula sa napakahabang araw,
Pagod mula sa makaubos enerhiyang eskwela,
Pagod mula sa trabaho..Ngunit ang isa'y hindi ko matanto,
Sa paglibot ng mga mata ko sa bawat kanto ng dyip
Tila ba kakaiba ang pagod sa kanyang mga mata,
Tila ba ang pagod na iyo'y di basta basta maiibsan nang isang pahingaAng pagod nya'y hindi madaling makita,
Lalo na kung ito'y hindi pagtutuunan nang pansin
Nakahahabag ang pagod sa kanyang malungkot ngunit magagandang mga mata,
Pagod na kasi s'yaHalata ko na,
Pagod na pagod na
Pagod na siya,
Pagod na sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Her Unspoken Thoughts
PoetryA part of the whole. A collection of random thoughts and poems. March 24-May 18, 2021