Twenty Two

77 7 2
                                    

Pandemya

hindi yata ako kailanman masasanay na makita ang mga tao na may face mask at face shield,
at hindi makapag-kita
hinndi makapag-usap ng malapitan
hindi makapag-yakapan
at kung bago maghawak ultimo daliri ay kailangan pa ng alcohol o sanitizer

ang hirap makita ang lahat sa ganitong sitwasyon
ang sakit makita ang iba't ibang klase ng pagod mula sa mga mata nila
nakapanlulumo,
napakasakit sa damdamin

naiiyak na lamang ako sa twing mahuhulog sa malalim na pag-iisip na kung paano nga ba kung ganito o ganyan,
sa huli'y wala rin akong maapuhap na sagot
sa huli'y tanging lungkot ang naiiwan sa akin
pero manatiling kumapit nang mahigpit,
Pilipino tayo
matatag tayo! 🇵🇭

Her Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon