Seventeen

105 7 0
                                    

ang hindi ko lang naman maintindihan ay kung bakit naniniwala pa din tayo sa mga taong may history na ng pag-sisinungaling sa atin?
dahil ba kagaya ko
umaasa ka na baka sakali,
baka sa oras na 'to
baka ngayon
maging totoo na siya o sila sa'yo?
na baka naman may pag-asa pa
na magsasabi sila ng totoo.

ngunit payo ko nalang kaibigan
na wag na akong tularan
mahirap dalhin ang bigat sa dibdib na dulot ng mga taong pinagkatiwalaan natin
pero binigo tayo ng labis
mahirap mag-isip ng paulit-ulit kung bakit
mahirap pasanin ang mga pasakit
mahirap ang magtanga-tangahan at
mahirap ang pilitin ang sarili na ayos lang
na hindi masakit.

Her Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon