Twenty Four

68 7 0
                                    

"Ayoko na."
pang-ilang beses ko na nga bang nasabi 'to?
sampu?
isang daan?
isang libo?
o isang di matapos na bilang?
hindi ko na din alam

nakakapagod na kasi
ang pang-araw araw na atakihin ng kalungkutan
na hindi malaman-laman ang pinagmulan
ang paulanan ka ng sarili mong isip ng napakarami at hindi maubos-ubos na tanong,
ang pananatiling matatag sa gitna ng lahat ng hinagpis
at ang paglaban sa depresyon

naghahanap lamang nang masasandalan
nang makakapitan
at ng makikinig
dahil unti-unti nang napapatid ang manipis na sinulid na nagdudugtong sa pagkapit at sa tuluyang pagbitaw

Her Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon