Twenty Three

80 9 0
                                    

ang hindi ko maintindihan ay
kung bakit kailangang pagsilbihan pa ang karamihan ng kalalakihan
bakit ultimo sa pagkain ay kailangan pa silang ipaghain?
bakit ultimo sa pagligo ay kailangan pa silang ipaghanda ng susuotin?
bakit ultimo sa maliliit na bagay na kaya naman nilang gawin,
kailangan na kababaihan pa ang gumawa?

pagkatapos ay sasabihin na marami kayong kaya na hindi namin kaya?
nais ko lang sabihin na
patas ang mundo
ngunit hindi ang mga tao
at kung mas marami kayong kayang gawin
pagsilbihan n'yo
ang inyong mga sarili

Her Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon