Twenty Nine

55 4 2
                                    

Bago ang Pandemya

Nakakamiss ang pag-gising ng umaga para hindi mahuli sa klase,
Ang pag-pila sa sakayan ng dyip para hindi ma-late o kung sobrang haba ay hahanap ng balasa, para mabilis
Yung pagharap mo sa kanan mo makakapag-agahan ka ng conditioner dahil sa nililipad na buhok ni ate
O di kaya nama'y instant higaan ka ni kuya sa kaliwa

Nakakamiss ang kakapasok mo palang pero uwing-uwi ka na o antok na antok ka pa
Yung nag-aaral nang mabuti yung katabi mo pero dahil demonyo ka, dadaldalin mo
Yung sabay-sabay nyo ng pagkain sa tanghalian pero dun sa mumurahin lang, para tipid
Yung kakain kayo sa hapon sa turo-turo, minsan may mapait pang proben at isaw, at yung minsan din na matabang o sobrang tamis na buko ni manong
At kung nakakaluwag-luwag, jollibee, kfc o mcdo tayo nyan!

Nakakamiss ang ma-stress kasama ang mga kaibigan
Mangopya at magpakopya, kahit na kadalasan hindi ka sigurado kung tama ang pinakopya mo
Nakakamiss ang magpaalam at sabihing "see you or ba-bye."
At nakakamiss kasabay silang gumala muna o umuwi

Maaari bang bumalik sa dati?
May pag-asa pa ba?
Kulang pa ang mga nilathala kong pangungulila sa buhay sa labas na walang pandemya o takot na makahawa o mahawa
Huling 'bye' ko na pala sa kanila ng personal yon, sana naningil na ako ng utang (charot), sana pala niyakap ko sila nang mahigpit, ginawa ang mga nais
Hindi siguro ito magiging ganito kasakit.

Her Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon