Chapter 03

471 18 43
                                    

"Twins? May kakambal nga?" I asked.

If yes, that would make so much sense. Kanina pa ako hirap na hirap isipin kung ang tamang Everett Alessandro ba ang tinitingnan ko, o 'yong isa na naka-goal.

"Eros and Evo aren't actually twins. They just look so much alike out of all their cousins, probably because their fathers are the ones who're twins. Malakas ang dugo at sila ang naging kamukha. Kaya ayan, tinatawag na kambal kahit na may pagkakaiba naman sa itsura. Pero bakit? Crush mo na ba?"

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung kailan masasabi na crush ko na ang isang tao. Looking back, I've only had crushes on actors. Lahat sila ay napapanood ko lang sa telebisyon.

Sikreto lang ito, pero mas nagagwapuhan pa ako sa mga aktor noong 80s at 90s noong mga bata pa sila kumpara sa mga ka-edaran ko sa kasalukuyan. Nagkakasundo kami ni Mama roon lalo na sa pagtatago kay Papa na may mga crush kaming artista.

Inaasar din sa akin si Jack minsan ng mga nakakakilala sa amin pero hindi ko naman yata matatawag na crush 'yon? Lalo na't sabay kaming lumaki at siya ang matalik kong kaibigan na parang kapatid na rin dahil ala-alaga siya ni Papa sa talyer. Kahit na minsan ay si Papa ang inaalagaan niya.

"Don't think about it too much," sabi ni Euanne, napansin siguro ang pag-iisip ko. A small smile appeared on her face. Kahit na mukha siyang inosente at mahinhin, kilala ko na siya at alam kong may binabalak siya ngayon.

"Natatakot ako, Euanne." Sa binabalak mo!

Humalakhak siya, "I'm not doing anything! Let's just enjoy the rest of the game."

Siya ang nagsabi noon. Na enjoy-in namin ang natitirang oras ng laro, pero siya rin ang bored na bored na noong patapos na. Nabubuhayan lang siya ng loob kapag na'kay Ethan Escadejas ang bola, tapos kapag wala na ay bored na naman.

Anyway, the Caballeros won 4-1.

Dalawang puntos mula kay Eros Escadejas, isang puntos mula kay Nehemiah Escadejas, at isa mula sa isang Antonio Viejas. Magagaling ang anim pa nilang ka-team, hindi lang ang mga magpipinsan kaya malakas ang team nila.

Sadyang kakaiba lang talaga ang laro kapag ang mga Escadejas na ang nagpasa-pasa sa kanilang lima, parang nanonood ako ng professional league, not that I know what it's like.

Our school soccer team didn't stand a chance in the first place and they know it too. Ang isang punto na nakuha ng eskwelahan namin ay dahil pa sa violation ng kabila kaya hindi nila masyadong ikinatuwa iyon.

Sa pagtatapos ng mahabang laro ay nag-alisan sa bleachers ang mga nanonood para tumapak sa mismong field. Nakita kong nilapitan nilang lahat ang players ng CFIS.

Marami rin namang nagkumpulan sa team ng Lisieux dahil magagaling din naman sila, at aminin na natin na may gwapo kaya may gusto ring magpapicture.

I laughed when I saw someone get past the large crowd. Si Ethan 'yon na nakawala mula sa mga babaeng pinagkukumpulan siya. Tumalon siya sa barandilya na naghihiwalay sa field at bleachers at tumakbo paakyat dito sa pinakataas.

Siniko ko nang mahina sa tagiliran si Euanne para subukang asarin, "Boyfriend mo, oh."

"He's not my boyfriend." mariing bulong niya dahil nakalapit na si Ethan.

She raised her hand to give Ethan a high-five. "I told you, huwag niyo masyadong galingan. Our team lost because you did the exact opposite of what I said."

"I'm sorry that we won," he chuckled.

"Nice assist on Nehemiah's goal, though. Ang galing." 

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon