Chapter 08

348 14 5
                                    

I was never the center of attention. Wala rin naman akong ginagawa para maging ganoon. Siguro ay nasanay at nakuntento na ako sa katahimikan ng buhay ko.

Masaya ako sa ganoon... hindi sa ganito.

Magmula kaninang umaga ay pinagtitinginan na ako. Hindi naman lantaran pero napapansin ko pa rin ang mga pasulyap-sulyap na mga estudyante sa gawi ko.

Gusto kong isipin na guni-guni ko lang iyon pero napansin na rin kasi nila Natalia at Lilah iyon, kaya malabong nagkataon lang.

"I don't think that's normal." komento ni Lilah nang may isang freshman na talagang tumigil pa sa harap ko para saglitang tingnan ang itsura ko. It's like she was making sure that she was seeing the right person.

"It's not normal. It's not right! Talk about creepy!"

"What the hell is going on, Sienna?"

Nagkibit-balikat na lang ako kahit sa loob-looban ko ay gusto ko nang malaman kung ano ang tinitingin-tingin nila sa akin. Are they judging me now? All their stares are making me so anxious.

Ang hirap-hirap isipin ng mga iniisip ng tao tungkol sa'yo dahil walang ibang paraan para malaman iyon kung hindi tatanungin. Asking does not even guarantee that they'll tell you the truth.

Niyakap ko palapit sa dibdib ko ang dala kong extra na damit habang papunta kami sa locker room ng mga babae. Pagpasok namin doon ay nasagot ang lahat ng tanong ko magmula kaninang umaga na ako ang sentro ng atensyon dito.

Sa common area ng mga grade level, bago pumasok sa per level na locker room, ay mayroon nang mga photo paper na nakapaskil. Ito ang mga litrato na ipinakita sa akin ni Ceslyane... pero sa pagkakataong ito ay nakadikit sa pader at marami.

"Ano 'to... Bakit ganito..."

"Natalia, Lilah... Ano 'to..."

Kinuha ko ang isa roon at napaupo sa isang bench dahil nagsimulang manlambot ang mga tuhod ko. Tumabi agad si Natalia sa tabi ko at tiningnan din ang hawak kong litrato. Si Lilah ay nanatiling nakatayo at isa-isang inalis sa pagkakapaskil ang mga iyon.

"Uy. Uy! Isn't that her?" A group of second-year junior high girls went out of their grade level's locker room. Saglit lang kaming nagkatinginan at yumuko ako agad para itago ang mukha ko. I even let my hair fall to the side of my face to further hide it.

I don't know what my friends silently did that pushed the girls to leave the locker room. Masyadong natuon ang atensyon ko sa litrato namin ni Eros.

Is this even legal? Hahayaan ba ito ng mga Escadejas?

Kung siya, ligtas, paano ako?

Paano ako na walang ibang magawa kung hindi tanggapin na ganito na talaga ang nangyari? Hihintayin ko na lang ba na lumipas at makalimutan?

Wala naman akong ginagawang masama.

"Who's that boy you're with? If it's okay to ask. It's totally fine not to answer me."

Naudlot lang ang pag-uusap namin ni Natalia nang marinig namin ang boses ni Lilah mula sa girls' locker room ng grade level namin na tinatawag kami. Pagpasok namin doon ay nakita kong mayroon pang ibang mga nakapaskil sa bawat locker. Hindi na nga makapagtataka kung bakit ganoon na lang sila kung makatingin sa akin.

Sa totoo lang, wala pa rin akong makitang mali sa mga picture na ito, e. Nag-uusap lang naman talaga kami. Nagmumukha lang na hindi maganda dahil umabot pa sa puntong ito.

"This is an Escadejas heir, right?" Lilah said, still busy taking down all the pictures. Ang iba ay pinupunit niya pa gamit lang ang kamay niya na tila ba inis na inis.

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon