"Nakita mo na ba 'yong bagong lipat daw na binata rito? Gwapo't sobrang tangkad! Jusmiyo! Hindi man ako umabot sa balikat! Napakabait pa! Tinulungan akong magpakain ng manok kaninang umaga dahil nakasumpong ang rayuma ko!"
Ngumiti lang ako at sumulyap kay Tatay Odario. "Ganoon po ba? Usap-usapan nga po siya ngayon dito, 'di ba? Sikat na ho yata."
Hindi lingid sa kaalaman ko na si Eros ang tinutukoy nila. Ilang araw na siyang nagpapasikat dito sa kalye namin sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain at iba pang bagay-bagay.
Si Nana ang sumunod na nagsalita. "Aba'y oo! 'Yong nakatira diyan sa likod, naku. Hinahanda na yatang ipakilala roon sa dalaga niya! Sabi ko, may dalaga rin kami rito! Mas maganda ka r'on. Totoo man. Kaya uunahan ko na at ipakikilala kita roon sa binata!"
"Eh, ano kasi pangalan noong binata?"
"Ah... Ano nga kasi? E...Aaron?"
"Errol?" pagsubok naman ni Tatay.
"Hindi. Iba. E... Eros!"
Nakinig na lang ako sa usapan ng matandang mag-asawa. Kilalang-kilala ko ang pinag-uusapan nila, kaya hindi na nila ako kailangang sabihan pa. Tutulungan ko na sana sila sa panghuhula ng pangalan pero nakuha na nila.
"Tinanong ko nga bakit Eros ang pangalan niya. Ngayon ko lang kasi narinig iyong pangalan niya sa haba kong nabubuhay dito sa mundo. Pangalan daw pala 'yon ng isang diyos. Galing sa mitolohiya kumbaga?"
"Diyos ng pag-ibig," singit ko.
Mukhang namangha naman ang dalawa kaya natawa ako. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghihimay ko ng dahon ng malunggay para sa tinolang iluluto ni Nana. Halos ganito na lang talaga ang ginagawa ko.
Patapos na ako noong may tumawag mula sa labas. "Ako na po," sabi ko para hindi na tumayo pa si Tatay Odario para tingnan kung sino ang bisita. Lumabas ako at natanaw ko si Eros na nakatayo sa kabilang dako ng bakod.
"What are you doing here?" tanong niya noong makalapit na ako sa gate at pagbubuksan na siya.
"Ako pa ang tinatanong mo niyan, e, ako ang taga-rito."
"This is not your house."
"Kapitbahay namin sila. Tumutulong ako sa pagluluto. Ikaw, anong ginagawa mo rito?"
"They need help fixing their sink."
"And you volunteered? Marunong ka ba?"
Ngumisi siya. "Tingnan natin. Nanood ako ng tutorials sa Youtube kagabi. Baka pwede na iyon. It seems easy, so I'll manage."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya pero nilagpasan niya na ako at nagtungo na papasok sa loob ng bahay ng matatanda. Hinabol ko naman siya, "Baka naman lalo mo lang masira iyon?! May mga propesyonal naman dito–"
"Just trust me," he said, as if that is enough.
"May magagawa ba ang tiwala ko kapag nasira mo na lalo 'yong lababo nila? Bakit ka kasi nagpresinta, hindi ka naman marunong? P-Paano kung masaktan ka pa?"
Mabilis siyang lumingon sa akin. "Ano ngayon kung masaktan ako?" tanong niya, sadyang hindi pinansin ang mga una kong sinabi.
Sinubukan ko siyang bigyan ng masamang tingin, pero humagikgik lamang siya bago ako hinila palapit. Tumama ang kamay ko sa dibdib niya. I craned my neck to look behind him, making sure that no one is seeing this.
"I won't get hurt. Mag-aayos lang ako ng lababo. Malabong masaktan ako roon. Unless you are really worried about me that much..." masuyo niyang sabi.
Noong hindi ako nakasagot, ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin. He laughed against my neck and I felt his lips graze lightly on it.
BINABASA MO ANG
As the Chains Fall
Roman d'amour[ESCADEJAS SERIES #1] Eros Jaireh Escadejas lives in a world that suits him perfectly, where everything is already laid out in front of him. He was destined to not have to worry about anything because his family is powerful enough to solve all of hi...