Ang hindi masyadong pamilyar na siyudad ay masigla. Halos lahat ng kalsada ay mayroong mga nakasabit na banderitas, at may mga tarpaulin na nakapaskil sa bawat poste. Fiestang Kuliat kasi ngayong buwan kaya labis na lang talaga ang sigla ng hangin dito.
"Huwag mo akong iiwan, Jack. Hindi ako sanay sa Angeles. Last year pa yata ang huling punta ko roon tapos sa munisipyo pa kaya wala akong alam sa mga lugar doon."
Halos hawakan ko ang kababata ko sa kaniyang damit para lang masiguradong hindi siya mawawala sa paningin ko. Sem break na at nakahanap kami ng sideline job para sa mga susunod na araw ng Tigtigan Terakan Keng Dalan.
"Kinakabahan naman ako sa'yo, Sien. Dapat yata ay nagpaalam ka na kina Papa mo para wala tayong sinisikreto nang ganito."
Napag-usapan na namin 'to at nagkasundo na hindi ko talaga sasabihin sa mga magulang ko. Hindi nila maiintindihan kung bakit ko pinipiling magtrabaho dahil ginagawa naman nila ang lahat para maibigay ang lahat ng kailangan ko.
I don't mean to insult them in any way. Kaya ko nga itatago, I can't believe I'm saying this, but... what they don't know won't hurt them. Gusto ko lang talagang makatulong at magkaroon ng pakinabang gayong wala naman akong ibang pinagkakaabahalahan.
Sayang ang oras at pagkabata ko kung tutunganga lang ako sa bahay namin kung may pwede naman akong gawin na mapagkakakitaan pa.
Jackson and I were walking side-by-side on the pavement. Maingay ang paligid dahil traffic, hindi magkandamayaw sa pagbubusina kahit wala namang magagawa iyon. Nakasara ang daan at one-way lang ang dinadaanan ng mga sasakyan.
"Anong ganap doon?"
Itinuro ko ang parang mayroong program sa tapat ng isang malaking bahay na may lumang disenyo. Nasa gitna mismo ng siyudad. Mayroong namamayagpag na bandila ng Pilipinas sa tuktok nito.
"Ah, 'yan ang Pamintuan mansion. Madalas talagang may events diyan kaya sinasara ang daan dahil sa labas mismo ginaganap. Alam mo 'yong nila-live sa TV kapag Araw ng Kalayaan? Diyan 'yon."
Bumilog ang bibig ko habang natatantong pamilyar nga pala talaga itong lugar na ito dahil nakikita ko na sa telebisyon dati pa.
Naglalakad lang naman kami kaya nakalapit kami roon, pero mayroon pa ring barricade na naghihiwalay. Ang lahat ng mga tao doon ay nakasuot ng Filipiniana at barong Tagalog. Mga pormal ang datingan na akala mo'y dumalo sa SONA.
There were also military men scattered across the place, showing how tight the security is within the barricaded area. Makes you wonder just how important the invited people are.
"Now, I would like to call on his excellency, Mr. Mauricio Nepomuceno, to give us his opening remarks."
Dumadaan lang naman dapat kami ni Jack pero natigil ako para tingnan 'yong tinawag. I craned my neck to observe closer because the soldiers blocking the sight are very tall.
Gwapong may edad na lalaki ang umakyat sa podium. He's wearing a barong Tagalog just like everyone else and he's either in his late forties or early fifties. Maybe late fifties if he just looks young, but I doubt it.
Naisip ko ngang baka nandito ang mga Escadejas, pero wala. It's weird because there are also what seems to be a family here, with young lads and ladies, na parang katulad ng mga Escadejas. Kaya sa unang tingin ay akala kong silang magpipinsan iyon.
"Sienna, tara na."
Dalawang magkasunod na araw ang TTKD at naging abala kami ni Jack sa trabaho namin sa isang food stall. Naka-tolda lang iyon at nasa gilid ng highway, pero nakasara naman ang buong daan sa Balibago para magbigay daan sa event.
BINABASA MO ANG
As the Chains Fall
Romance[ESCADEJAS SERIES #1] Eros Jaireh Escadejas lives in a world that suits him perfectly, where everything is already laid out in front of him. He was destined to not have to worry about anything because his family is powerful enough to solve all of hi...