Chapter 20

310 11 6
                                    

Dumalas ang pag-ubo ni Papa hanggang sa hindi na iyon tuluyan na naalis. Sabi nila sa akin, ganoon daw talaga at mawawala rin ulit pagkatapos ng gamutan–pero ilang linggo na ang lumilipas at wala pa ring nangyayari.

Today is Eros Jaireh's graduation. Magkakaroon ng handaan sa kanilang ancestral house sa probinsya nila. It's too far from here so it'd be far-fetched to expect that my parents would allow me to go. 'Di ko na pinagpaalam pa dahil hindi rin naman ako papayagan, kaya hindi rin ako makapupunta.

I told Eros that, and suddenly, the party was moved to their home in Hacienda Royale here in San Fernando. Pinayagan na ako dahil mas malapit naman iyon kumpara sa bayan nila, pero si Mama ay tutol na tutol.

Patapos na ang araw at naririto pa rin ako sa kabilang barangay, naglalaba. Pangatlong bahay ko na ito ngayong araw na tinanggapan ko ng labada pero malas dahil sa kanila pala ang pinakamarami.

Pagod na ako sa puntong ito pero determinado akong matapos basta makahabol man lang sa party ni Eros. Lalo na't susunduin niya pa ako. It's the least I could do.

Umalis ako kanina sa bahay na kakasikat pa lang ng araw, at ngayong pauwi ako ay papalubog na ito. Nasa sala na ng bahay namin si Eros kasama ni Papa nang dumating ako. Tumayo siya, para siguro yakapin ako, pero tumigil dahil naalalang nanonood si Papa.

Even though my whole body was tired, I managed to pull out a smile. He looked so good in his dress shirt with a blue tie and his slacks. His eyes turned from excited to worried when he saw me up close.

Ako na mismo ang yumakap sa kaniya. Halos maramdaman ko ang pagkatunaw ng pagod ko ngayong nakakulong ako sa bisig niya.

"Gwapo naman... Congrats!"

Bumulong siya, "You know your Papa is watching, right?"

"Oo naman!" Sa ibang araw siguro ay iisipin ko iyon at mahihiya nang husto pero wala, e. Nangingibabaw ang pagod ko at alam na alam ko kung saan ko mababawi ang lakas na nawala sa akin buong araw.

Dito.

Dito mismo.

Eros chuckled but I could sense that he's feeling awkward. In his words, he's still trying to get my father to be his ally. Pinaganda pa ang mga salita, e sipsip lang naman siya.

"Okay. I'm just checking."

Bumitiw na ako dahil sobrang nahihiya na talaga si Eros kay Papa, pero ayaw niya naman na siya ang unang humiwalay. Umubo na rin kasi si Papa, na hindi ko alam kung pinilit niya ba para paalalahanan kaming nasa paligid siya, o talagang ubo niya.

Inunahan ako ni Eros na daluhan siya at abutan ng inumin. Kung sa puntong ito ay sa tingin niyang hindi pa siya aprubado sa aking ama, bulag na lang siya.

"Pwede bang magbihis muna ako bago tayo umalis?"

Lumingon siya, "Sure. Yeah, but you look tired."

"Medyo, pero kaya ko naman."

"You sure? We can just stay here."

"It's your party."

He shrugged. "My cousins can live without me."

Umiling ako para manindigan na pupunta siya sa kaniyang party kahit anong mangyari. Nagbihis lang ulit ako ng simpleng puting bestida dahil iyon ang pinakamabilis suotin. Umupo ako sa kama para mag-sapatos na, pero kumikirot ang likod ko kaya ginusto kong humiga kahit ilang segundo lang.

Nakatulog tuloy ako nang hindi sinasadya. Nagising din naman ako agad nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko dahil mababaw pa ang tulog ko.

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon