"Ma, please. Please, gusto ko na pong umuwi."
Marahas na bumaling sa akin si Mama, galit ang mga mata. Ngayon na nga lang kami mag-uusap ulit magmula noong makarating kami sa lugar na ito, ganito pa na nagtatalo kami.
"Bakit ka uuwi? Don Tercero specifically asked everyone to extend their stay, so they'd get to know us! To get to know you!"
"Baka... baka maintindihan naman po nila."
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung hindi ka nahihiya sa akin, Sien, mahiya ka man lang sa mga tao rito na nagmamagandang-loob!"
"M-Ma... Gusto ko nang umuwi."
Humalakhak siya, "At saan ka naman uuwi?"
Natulala ako.
Hindi ko alam ang isasagot.
Ang alam ko lang, ayaw ko na rito.
"This is your home now, Sienna. Masanay ka na."
"K-Kung pwede, uuwi na po ako sa Canada. Tumatawag na po sa'kin si Tita Rui. Namimiss na raw po ako nung mga bata. Miss ko na rin ho sila. B-Baka kailangan nila ako. Gusto ko na pong bumalik."
I sound desperate.
That's because I am.
"Babalik ka roon?" malamig na tanong ni Mama.
She's my mother, but at this moment, I'm scared of her.
Lumunok ako. "Gusto ko pong bumalik..."
The very moment I said those words, her expression changed from stoic to worried. The shift happened like a flick of a switch.
"Hindi pwede. Hindi pwede, anak ko. I need you here." Lumapit siya sa akin at marahang ikinulong ang magkabila kong pinsgi sa dalawa niyang kamay. "Sienna, anak, please... Kailangan kita rito."
"Everybody here loves you, Ma."
That was true.
Don Javier III and Doña Froilana Escadejas fell in love with her. They could not be any more happier that their eldest son had met another woman as amazing as her, to marry. Ano pa ang kulang?
Ano pa ang kailangan mula sa akin?
Umiling siya, "Kailangan kita, Sienna."
Hindi ko maintindihan. Kanina, galit siya sa akin... ngayon, parang tuliro siya at hindi mapakali sa ideya ng pagbalik ko sa Alberta. Halos magmakaawa siya sa akin na bawiin ang balak kong pag-alis.
"Ma..." nanghihina kong pakiusap.
There was a huge part in myself that was begging me to stand my ground, and to beg, if I have to—as long as I go back to Alberta.
Gugustuhin ko namang manatili rito sa Pilipinas... huwag lang ganito. Basta sa ibang pagkakataon. Sa ibang sitwasyon. Walang problema... pero heto ang kasalukuyang buhay ko.
Niyakap niya ang braso ko at bumulong, "Anak. Anak, hintay ka pa nang kaunti..."
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko yata maintindihan ang sinabi niya. Hintay pa nang kaunti? Bakit? Ano ang hinihintay namin? Hanggang kailan, kung ganoon?
Sobrang hina ng paninindigan ko kapag sarili ko ang ipinaglalaban ko. Napakadali para sa akin na kalimutan ang gusto ko para sa sarili... basta ang mga magulang ko ang pinag-uusapan.
Hindi na ako nagulat na pinagbigyan ko siya.
Saglit na lang naman, 'di ba?
Sabi niya naman, kaunti na lang...
BINABASA MO ANG
As the Chains Fall
Romance[ESCADEJAS SERIES #1] Eros Jaireh Escadejas lives in a world that suits him perfectly, where everything is already laid out in front of him. He was destined to not have to worry about anything because his family is powerful enough to solve all of hi...