Pagbalik namin sa kung saan namin iniwan ang mga magulang ko, nakita kong mukhang nagtatalo sila. It was only when Papa noticed us approaching that they acted normal. I'm not sure whether I should worry about how my mother looks at Eros Jaireh so... oddly.
Dala na rin siguro ng pagkabigla dahil ngayon lang nila nalaman ang tungkol sa pagkakaroon ko ng kaibigan na iba pa kina Euanne, Lilah, at Natalia, dahil sila-sila rin lang naman ang palagi kong nababanggit.
Eros is news to them, so I can't blame my Mama for being so shaken. Kahit pa ganoon, parang sobra naman yata ang gulat niya. Ganoon ba hindi kapani-paniwala na may kaibigan akong ganito?
"M-Mama, si Eros po. You know Euanne already, and he's her cousin." Dinagdag ko ang detalyeng magpinsan sila ni Yu dahil baka sakaling mapanatag ang loob nila gayong alam nilang mabait ang kaibigan kong iyon.
Nanlaki ang mata ni Mama.
Na napalitan ng hindi ko maipaliwanag na tingin.
Papa glanced at her before smiling at Eros who's beside me. Nang mapansin ni Papa ang lapit namin ay parang nahalata niyang...hindi lang kaibigan ito...kaya naging strikto ang itsura agad.
Eros took a step sideward to put space between us because of Papa's intimidating look. Eros' face looks calm but I can tell for sure that he's stiff. Gusto kong matawa pero naalala kong mga magulang ko nga pala ang nasa harap namin kaya kinabahan na rin ako.
"I'm Eros Jaireh."
"Pinsan... What is Euanne's surname, anak?" Sa wakas ay may sinabi si Mama. Nalito pa ako noong una kung kanino ang tanong dahil kay Eros naman siya nakatingin.
"Lahidalga po," sagot ko kahit nagtataka.
"Hijo. Is Euanne your cousin from your father's side... or your mother's?" It was a simple question coming from my mother but I feel like there's a correct answer with the way she said it! Importante ba iyon?
It took a second before Eros answered. "Mother's. Her father and my Mom are siblings, they're the La Hidalgas. My father is an Escadejas, Ma'am."
Pinanood ko ang reaksyon ni Mama sa apelyido ni Eros.
"Kilala mo po ba sila, Mama?"
"No."
I don't understand. She looks so bothered and agitated. Wala akong ibang maisip na posibleng dahilan para roon maliban sa kakilala niya ang kahit alin sa dalawang pamilyang kinabibilangan ni Eros.
Now that she denied it, I am clueless. Pinigilan kong tumingala kay Eros para subukang basahin ang iniisip niya. Sigurado akong pansin din niya iyon dahil marunong namang makiramdam ang isang ito.
Was it a wrong move introducing Eros to them?
Masyado pa bang maaga para rito?
Bawal pa ba talaga? Dalaga na ako, ah... pero naiintindihan ko rin naman, kasi ako lang ang anak nila. Nangingibabaw ang pag-iintindi ko sa kanila, kaya nagpatuloy lang ako sa pagmamasid dahil sa tingin ko ay wala na akong linyang masasabi pa!
"Dito ka nag-aaral, Eros?" tanong ni Papa. Seryoso ang itsura at halatang sadya iyon, pero wala akong reklamo dahil sa kanilang dalawa ni Mama, mas friendly ang aura niya. Eros shook his head and mentioned his school. "My sister studies here, though."
"Oh, pinaghiwalay pa kayo?"
"It's a long story, Sir, but yes. Our parents did what they thought was best." Eros answered politely but at the same time, ended that topic on a whim.
Papa, always being the kind hearted man that he is, tapped Eros' shoulder.
"May handaan kami sa bahay bukas dahil kaarawan ni Sienna. Pumunta ka. You are welcome there. Doon na natin ipagpatuloy ang pag-uusap na 'to nang makilala ka pa namin. Sa ngayon, kailangan na naming umuwi dahil masama ang pakiramdam ng Mama niya."
BINABASA MO ANG
As the Chains Fall
Roman d'amour[ESCADEJAS SERIES #1] Eros Jaireh Escadejas lives in a world that suits him perfectly, where everything is already laid out in front of him. He was destined to not have to worry about anything because his family is powerful enough to solve all of hi...