Chapter 43

339 13 7
                                    

Walang gumalaw o nagsalita sa amin. Nanatili akong nakaupo dahil natatakot ako na kapag gumalaw ako, mawawala siya nang parang bula kung sakali ngang namamalikmata lamang ako ngayon.

Are you real, Eros Jaireh?

Napakurap ako noong bumaba siya mula sa kalesa sa isang hakbang lang, at nagtungo na sa akin. His intense eyes met mine for the first time in months but felt like forever, and needless to say that I almost shivered from all the crashing emotions that his stare sent me.

I secretly pinched my hand to see if this was all real, and I held my breath until I felt the pain.

Napatingin si Eros sa ginawa ko at kumunot ang noo niya pero hindi niya na iyon pinansin pa. Ibinalik niya agad ang tingin niya sa mga mata ko.

I tried my best to even out my breathing, but him standing in front of me like that makes it hard. Nakatapak na siya sa labas at nasa kalesa pa rin ako, pero dahil sa tangkad niya ay maayos kaming magkaharap.

"You know, you can't just call me baby and then bolt like that. It does not work that way, señorita."

Namamangha ako. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng aparisyon. Nahirapan tuloy akong sundan ang sinabi niya.

"A-Ano? At... Anong ginagawa mo rito?"

"Sinusundo kita."

"Huh?"

"You're so fucking rude, driving me crazy and all that. Aalis ka kamo, at ayaw mong sundan kita, and yet... here I am. You didn't want me to go with you, but you made it so damn easy to find you? Galingan mo naman magtago."

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang iritasyon at galit sa boses niya. His eyebrows are furrowed and his lips are slightly pouting because of a frown. Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa umirap siya.

Is he seriously giving me an attitude right now?

"Say something!" utos niya.

Umiling ako dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Pinipiga ang puso ko at nasasaktan ako, pero hindi ko mawari kung dahil ba iyon sa lahat ng nangyari o dahil masayang-masaya ako na nakikita ko siya ngayon.

"Bakit nandito ka?"

Sarkastiko siyang ngumiti, "Nice."

"Seryoso ako... Bakit nandito ka?"

Huminga siya nang malalim at walang kahirap-hirap na hinawakan ang baywang ko para ibaba ako sa kalesa. I almost yelped in surprise. Just like that, we are standing on the same ground and he is towering over me.

"Pwede mo ba akong yakapin?"

Umawang ang labi ko sa hiling niya. Dapat ko ba siyang yakapin? Gusto ko... pero pwede ba? Kailangan ba?

"Sienna, yakapin mo naman ako, oh."

He groaned, "I am dying."

Litong-lito ako sa nangyayari pero siya na mismo ang humila sa braso ko para hilain ako palapit sa kaniya.

Ang alam ko na lang ay nakakulong na ako sa mga braso niya. Naamoy ko na ang gustong-gusto kong amoy na sa kaniya lang.

Yumakap ako pabalik. Doon ko naramdaman ang panghihina niya at pag-gaan ng hininga niya. "Don't ever do that again. Huwag mo na 'kong iiwan. Hindi ka na pwedeng umalis. You hear me?"

"Hindi mo ako dapat sinundan..."

I felt him kiss my neck where his face is buried in the hug, "Bakit hindi? Paano na lang ako kapag wala ka? Syempre, susundan at susundan kita. Umuwi na tayo."

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon