Chapter Twelve: First Date

84 5 0
                                    

"PWEDENG paki-explain nga ulit?" hindi na alam ni Mavis kung pang ilang beses na nga ba niyang sinabi ang mga salitang 'yon. They are currently in her van, kakatapos lang ang huli niyang schedule para ngayong araw.

It's only been a week nang kumpirmahin ng agency niya ang tungkol sa dating rumor nila ni Anthony, and so far wala pa silang nakikitang sign na huhupa 'yon. Kaya ang sabi sa kanya ni Lena kailangan na at least makita sila ng publiko na magasama, pero dahil na rin busy siya nitng mga nakaraang araw ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkitang dalawa..

"You will have a date today with Anthon," dahan-dahan na sabi ni Ella na para bang nakikipag-usap sa three years old na bata. Siguro napipikon na rin ito sa kanya dahil sa ilang ulit na tanong niya.

Para kasing hindi pa rin mag-sink in sa isip niya ang mga napagusapan nila noong nakaraan araw, Kahit na ba sabihin na nagpa-press conference pa sila within the span of 24 hours at inamin ang lahat ng dating rumours tungkol sa kanila ni Anthony.

Hindi nga lang niya kasama ang lalaki sa pakikipagharap sa mga reporters dahil ayaw kasi nitong humarap sa kamera. Kasi ngayon kanya-kanyang speculation ang lahat kung isang gimik nga lang ba o totoo ang tungkol sa kanilang dalawa.

So yeah, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang issure sa kanilang dalawa.

"Pero bakit ngayon?"

"Kasi ito lang ang libre mong oras para ngayong linggo, then your swam with work for the next five days. Ang sabi ni Ma'am Lena kailangan makita ng lahat na totoo angg relasyon niyong dalawa, so we need the reporters na makita kayo na magkasama."

"So 'goodluck' na lang sa date naming dalawa?" she said quoting the air.

Napakamot sa ulo ang assistant nila. "Nakausap na naman namin si Sir Anthony, ang sabi niya ung saan mod aw gusto na pumunta siya na daw bahala."

Napabuga na lang siya ng hangin, ano pa nga ba ang magagawa niya? Isa pa pumayag siya 'di ba? Alangan namang tumanggi siya. "Okay fine, saan ba kami magkikita?"

"Sa Condo niyo daw, para may makakitang reporters na nagkikita pa rin kayong dalawa."

Huminga siya ng malalim. "Okay, we'll go with that."

Wala siiyang ideya kung ano nga ba ang balak nito pero ano pa nga bang magagawa niya sa nga lang kung saan siya nito dadalhin mage-enjoy siya dahil kung hindi baka layasan na lang niya ito at maghanap ng lugar kung saan pwede siyang makapamasyal.

Ilang minuto pa ay dumating na siya sa condo niya, agad siyang pinagsuot ni Ella ng itim na facemask at bullcap na para namang makakatulong 'yon para hindi makita ang mukha niya kahit na ba isang tingin pa lang sigruado siyang mapapansin na ng kahit na sino kung sino siya.

Napansin niya ang isang pamilyar na kotse na nakapark, nang marahil napansin na nito ang Van nila ay bumukas ang drivers seat at iniluwa 'non si Anthony. Simple lang ang suot nito, isang hooded jacket at t-shirt lang, saka pantalong maong at isang pair of sneakers pero kahit nag anon bakit iba pa rin talaga ang dating nito sa kanya?

Huminga siya ng malalim, bago nagpark ang Van na sinasakyan niya sa tabi ng kotse nito. Pinabuksan siya ni Ella ng pinto ng sasakyan, saka naman nakita niyang nakaantabay na ang nakabukas ng pintuan na kotse ni Anthony,

Nagtama ang mata ng lalaki, at sa hindi niya malamang dahilan ay may nakita siyang kung anong pagdisgusto sa mga mata nito. Pero kasunod 'non ay napansin niya ang pag flash ng kung ano at sigurado siyang umayos na namna ang lahat sa plano ni Lena.

Hindi na rin niya nagawang makapagtanong dahil na rin umandar na ang kotse.

Tahimik langa ng buong byahe nila, hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkaasiwa lalo na at wala man lang ata itong balak na kausapin siya.

Perfectly Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon