NANG umayos na ng tayo si Anthony sa paghalik nito sa nakaupong si Mavis ay agad niyang pinandilatan ang lalaki dahil sa ginawa nito. Pero pinagtaasan lang siya nito ng kilay
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang magawa niyang mapakalma ang sarili.
Ayaw na lang niyang pansinin ang mga nakatingin sa kanila, katulad nga ng sinabi nila ng ilang beses, sanay na siya sa attention to the point na kahit na tumawid pa siya sa alabre ang buong tingin lang niya ay ang diretso.
"I don't like to starve my girlfriend," anito saka inabot sa kanya ang hawak nitong pagkain.
Hindi niya maintindihan noong una kung paano nito nalaman na gutom na siya at gusto niya ng makakain. Hanggang sa naalala nga pala niyang naka-follow ito sa Social media niya.
Alam niyang nakafollow ito sa kanya pero iisang beses pa lang ata niyang nakitang may pi-nost ito kaya kinalaunan ay nakalimutan din niya.
"Oo nga pala naka-follow ka nga pala sa'kin," aniya saka sinilip ang lamang ng paperbag na inabot nito sa kanya.
"Yeah, ikaw lang naman ang laman ng news feeds ko much to my friends dismay."
"Wait, talaga?" inabot niya cellphone niya na nasa isang tabi saka tinignan ang profile nito. Alam niyang may isang instance na ipi-nost itong picture nilang dalawa just to clarify on her bashers pero pagkatapos 'non ay wala na ata siyang nakitang kahit na anong post tungkol dito.
That's when she realize that he have a private account at tanging ang picture lang nila na magkasama ang naka public.
Lahit siya ay hindi niya maiwasang magtaka ung bakit sa kabila ng pagiging mataas na followers nito, verified na account at wala itong ibang nilalagay sa SNS nito.
"Tao ba gumagamit nito or robot?"
"Mukha ba kong robot?"
"Sa gwapo mong 'yan baka nga artificially made ka."
Iilling-iling ito sa kanya. "Kumain ka na lang muna kung ano-ano lang iniisip mo,"
Natigilan siya. "Sandali lang nga, paano mo nalaman ang location ng shooting ko?"
"I know the number of you PA at alam ko rin ang number ng manager mo."
"Tinawagan mo sila?" napatingin siya kay Elle at nakita niyang sumenyas ito ng 'X' gamit ang dalawang braso, tanda na wala itong natanggap ng kahit na anong tawag.
"Nakausap mo si Lena?" taas kilay niyang tanong, lalo na at mainit ang ulo ng manager niya nitong mga nakaraang araw dahil walang ibang ginawa 'ata ang mga reporters kung hindi ang makakuha ng tyansa para magkaroon ng exclusive interview sa kanya.
As for sa mga nangyaring scandal, si Anthony ang nag volunteer na umayos ng gusot sa Amerika. Wala siyang ideya kung ano man ang ginawa nito pero para sa kanya out sight? Out of her mind.
"Yeah, besides the death threat we're good," hindi niya mapigilan ang matawa lalo na sa nakitang niya ang pagkabagot sa mukha nito. Nai-imagine niya ang mukha nito habang nakikinig sa litanya ni Lena.
Nang sabihin kasi niya dito na official na talaga silang dalawa ay hindi niya maiwasan na makakitaan ito ng pagaalala. Hindi iyon bilang isang manager kung hindi bilang isang kaibigan niya, pero in-assure naman niya ito na magiging maayos ang lahat.
Sa totoo lang ay wala pa rin siyang ideya kung ano nga ba ang kalalabasan g relayosn nilang dalawa, Pero alam niya sa sarili niyang mas mabuting mabuhay siya sa kasalakuyan kaysa magalala sa kinabukasan.
For now she's happy at iyon lang naman talaga ang mas mahalaga hindi ba?
"Hindi pa ka pa rin ba kakain?"
"Hindi pa ko pwedeng kumain may shoot pa ko," katwiran niya. Mainit-init pa ang pagkain at sa totoo lang kanina pa kumukulo ang tiyan niya ang kaso nakakahiya naman sa co artist niya kung kakain na lang siya basta hindi ba? Okay lang siguro kahit na lumamig 'yon isa pa meron naman siyang microwave sa trailer.
Doon lang napansin nito na nasa kanila lang ata ang atensyon ng buong crew nila, kahit ang director nilang kilala bilang istrikto ay tahimik lang na nakamata sa kabilang dalawa.
"I'll wait for you."
"Sigurado ka?"
"Wala naman akong gagawin."
"Sige, antayin mo na lang ako sa may trailer ko," muwestra niya sa trailer niya na nakapark hindi kalayuan sa kanila.
"Okay, its hightime I get rid of that stufftoy," narinig niyang sabi nito pero bago pa siya makapag react ay wala na ito sa harap niya.
"Ella sundan mo nga 'yon si Anthony, tell him na wag paginitan ang si Mana," iyon ang ipinangalan niya sa stufftoy na ito mismo ang nagbigay.
Nang mawala na ito sa tabi niya ay saka naman nagkalakas ng loob ang mga kasama niya sa trabaho para tanungin kung sino ang bagong dating.
Hindi ba narinig ng mga ito na girlfriend siya ni Anthony? Obvious namang matik na boyfriend niya ito.
But she gave them a business smile, isang kiming ngiti kasunod ng pagba-blush. Pagdating sa trabaho niya she can control her environment hindi katulad kapag nasa labas siya si Anthony ang kausap niya wala siyang ideya kung ano nga ba ang dapat niyang gawin.
Nang tawagin na sila ng director ay nagdesisyon siyang dapat na mmatapos niya ng maaga ang lahat ng scenes niya para ngayong arw para hindi nagaantay sa kanya si Anthony sa trailer. Or pwede na rin niyang ikatwiran na baka kung ano na lang ang gawin nito sa kawawang stufftoy niya.
PAGKATAPOS na mashoot ni Mavis ang lahat ng scenes niya para ngayong araw ay dali-dali niyang pinuntahan ang trailer niya. Hindi niya alam kung excited ba siya dahil nandito si Anthony or dahil baka kung ano ang gagawin nito sa kawawang stufftoy niya.
Hindi ba sinabi na nito sa kanya na nagseselos ito sa stufftoy niya? Well he doesn't say it directly pero iyon ang nararamdaman niya. Isa pa mas tiwala siya sa gut feel niya kaya nga sila nagkaaminan sa isa't-isa hindi ba?
Pero ganon na lang ang pagbunghalit niya ng tawa nang makita niya ang ginawa nito sa stufftoy niya.
Hidni niya alam kung saan nito nakuha ang ribbon na ipinantali sa kamay ni Mana saka nilagyan ng plaka Under detention, Do not touch.
Hindi niya maintindihan kung paano naging ganito ka childish si Anthony pero hind niya napigilan ang sarili niya na kuhanan ng picture ang ginaw anito at ipost sa social media niya with a caption.
Someone got jealous... again,
Iiling iling na hinanp niya si Anthony only to see him sleeping peacefully in her sofa bed. Hindi niya napigilan ang sarili niya na lumapit dito at tumalungko sa tabi ng kama.
Its her first time seeing him this unguarded like this not that bored look to other and the teasing glint on his eyes whenever they are together.
Wala sa sariling napangiti siya habang pinagmamasdan ang niya ang natutulog nitong anyo. Mayamaya pa ay narinig niyang may bigla na lang tumawa, marahil katulad niya ay nakita nito ang estado ng kawawang stufftoy niya.
Nang lumingon sa kanya si Ella at isinenyas niya ang hintuturo sa bibig, natuptop nito ang bibig saka lang nito napansin ang natutulog na si Anthony.
Sumenyas ito na lumabas siya para doon sila magusap, not even noticing na sa pagtayo niya at paglabas ay saka namang bumukas ang mga mata ng lalaing kaninang tinititigan niya. A smile on his that is so rare Mavis was usually shocked seeing it.
BINABASA MO ANG
Perfectly Loving you
RomanceMavis Fuentebella is a darling of the crowd and where the spotlight is, she was there standing. Siya ang pinaka sikat na artista sa mga kasabayan niya ngayon at kahit na ba sabihing sandamakmak din ang mga bashers at haters niya yet she love the lim...