Chapter Fifteen: Pictures

76 6 0
                                    

PARA siguro sa iba isang maganda tanawin ang sunset, pero kay Mavis iba ang klase ng kahulugan 'non. Makailang beses na nga ba niyang nakitang lumubog ang araw? Pero kahit na ganon ito pa ainr ang pinakapaborito niyang oras sa buong araw.

Nagkukulay kahel ang langit, na nagre-reflect din sa dagat habang unti-unting lumulubog ang araw. Nakapwesto sila sa may sea wall at kitang kita nila ang maganda view. Kakaunti lang ang mga taong naroroon pero hindi nakakaila sa kanya ang panaka-nakang tingin nga mga tao sa gawi nila.

Bago pa niya napigilan ang sarili ay inabot niya ang cellphone sa dala niyang maliit na bag saka itinaas ang magkahugpong na kamay nilang dalawa. Then with the sunset as their background instagram perfect ang nakuha niyang picture.

Gusto sana niyang i-post kaagad 'yon pero nang mapatingin siya sa itsura ni Anthony habang hawak nito ang stufftoy niya. Sa huli ay hidndi rin namna niya maiwasan ang sarili niyang kuhanan ito ng litrato habang hawak nito ang cute na putting pusang nakuha nila sa Arcade.

"You do know I look like silly as shit holding this stufftoy right?" anito saka nilingon siya.

"Ikaw 'tong gustong hawakan 'yan ikaw magrereklamo?" taas-kilay na tanong niya.

"Sino ba naman kasing nagsabing yakapin mo 'to?"

"What?"hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay niya, did he just get jealous over sa stufftoy. Hindi niya maiwasang matawa sa sinabi nito.

"Did you just— really Anthony?"

As if talagang iniinis siya nito pinanggigilan nito ang hawak na stufftoy saka tumingin sa kanya. "Can't I be possessive?"

Nahigit niya ang hininga dahil sa sinabi nito, gusto niya 'tng kastiguhin na wag nitong masyadong sersyosohin ang pagpapanggap nilang dalawa dahil masyado na siyang nadadala.

Baka isang araw hindi na lang niya namalayan hulog na pala ang puso niya dito, knowing very aware na baka walang sumalo 'non.

Napailing na lang siya at saka tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa seawall. "Ang mabuti pa umalis na tayo, gutom na ko." doon niya napansin na medyo mataas pala 'tong kinatutuntungan niya at hindi niya nagdalawang isip siya kung tatalon ba siya o hindi para lang makababa.

Pero bago pa siya makapagdesisyon ay madaling nakababa si Anthony saka tiningala siya. "Baba ka ba diyan? Papagalitan ka ng security," nangaasar pa nitong sabi sa kanya.

"Heh!" inis na asik niya dito. Tatawa-tawang hinawakan siya nito sa magkabilang beywang saka siya ibinaba na walang kaeffort-effort, kelan pa siya naging ganon kagaan?

Bago pa siya makahuma ay muli nitong kinuha ang stufftoy na inilapag nito sa may sea wall saka muling iginupo ang mga kamay nila. Saka inakay siya sa unang restaurant na makita nila.

Hindi niya maiwasang itanong sa sarili, kaya pa bg ng puso niya ang ganito? Natuptop niya ang dibdib, kaya pa naman siguro, saka hindi na rin masama 'yung ganito.

Iyon ang katwiran ng isang bahagi ng isip niya kay mas mabuting tigilan niyniya ang kakaisip ng ganito dahil masakit sa ulo.

"ANTHONY!" narinig niyang sigaw sa kanya ni Rizza pero hindi niya 'yon pinansin at pinagpatuloy lang ang paginom sa baso niya. Saka sinulyapan ang phone niya, akala niya mapapahaba pa ang bakasyon niya pero halos umiyak na ng dugo ang team manager nila.

Kailangan na niyang magparamdama sa team mates niya lalo na at ilang buwan na rin siiyang AWOL.

Kaya nang sagutin niya ang tawag nito kanina, pinapabalik na siya ng mga ito sa America dahil kailangan na niyang maghanda sa isang competition na magaganap sa dalawang buwan mula ngayon.

Perfectly Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon