"SIGURADO ka bang wala ka nang nararamdaman na kahit na ano?" hindi alam ni Mais kung pangilang beses na 'yon na itanong sa kanya ni Lena.
"The doctor said I'm fine Lena, kung tutuusin kung hindi mo lang iginiit na gusto mo pa kong mag stay dito sa ospital pwede na kong ma-release ngayong araw mismo."
"You fainted Maria Innocencia Fuentebella," napangiwi siya nang marinig niya ang buong pangalan niya kay Lena. Ibig sabihin lang nito na wala siyang choice kung hindi ang sundin ito kung hindi talagang magagalit 'to ng todo to the point na wala na siyang maikakatwiran.
"Maria Innocencia?" pigil ang ngiting banggit ni Anthony sa isang tabi niya.
"Just don't Anthony," tinatamad na siyang mag-explain. Isa pa masyadong matrabaho ang pagpalit ng pangalan kaya hinayaan na lang niya isa pa mas kilala siya ng lahat sa screen name na ginawa ni Lena nang mapunta siya sa agency nito.
Narinig niya pagkatok sa pinto niya bago niya nakitang sumilip lang naman ang paborito niyang stufftoy. Maluwang siyang napangiti kasunod 'non ay pumasok na si Elle sa kwarto niya.
Ang sabi sa kanya ni Lena ay na guilty talaga ang assistant niya na hindi siya nito sinamahan kaya hindi ito bumisita sa kanya. Nakahinga lang ito ng maluwag nang ibalita dito ng manager niya ang kalagayan niya.
Pansin niya ang pangngalummata nito halatang hindi ito nakatulog sa mga nakalipas na araw dahil sa nangyari sa kanya. Kahit na ba kung tutuusin ay halos dalawang araw lang naman siyang walang malay sa ospital at ngayong pangatlong araw dapat na umuwi na siya pero ayaw nga siyang payagan ni Lena.
Inabot sa kanya ni Ella ang hawak nitong stufftoy habang inilagay sa isang tabi ang hawak nitong arrange balloon na nakalagay na get well soon.
"Are you really sure na okay lang kayo, Miss?" parang gusto niyang mapabuntong hininga na lang at sabihing okay na siya. Kung pwede nga lang baka kanina pa siya nagtatakbo sa hallway para lang mapatunayan na okay na siya at wala na siyang problema.
"Oo nga bakit ang kulit niyo?" nakalabing sagot niya dito habang yakap-yakap niya ang stufftoy niya.
Hindi naman nakaligtas sa pansin niyaa ang masamangg tingin ni Anthony sa kawawa niyang laruan iiling iling na lang siya sa ugaling 'yon ng kasintahan. Bakit ba palagi na lang nitong nakakalimutan na bigay nito ang hawak niya ngayon.
Nang maigurado ni Lena na wala na siyang problema ay umalis na 'to dahil hindi nito pwedeng pabayaan ang agency. Si Lena naman ay nagpaalam na bababa para kunin ang ipinadeliver na pagkain para sa kanila.
"Nakausap mo na ba ang si Vera, Anthony?" hindi niya kasi alam kung ano nga ba ang itatawag niya sa nanay nito kaya tinawag na lang niya ang una sa pangalan nito.
"Yes, pero sigurado akong hindi pa rin aalis 'yon ng bansa hangga't hindi pa nito nagagawa ang gusto nitong gawin."
"Bakit ano bang gusto niyang gawin sa'yo?" tanong niya.
Sa unang pagkikita pa lang nila ni Vera alam niyang isa itong klase ng tao na hidni basta titiggil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto nito.
"I'll tell you when everything is settled, katulad ng mag-aantay ako kung kailan ka handang ikwento kung anong nangyari sa'yo sa elevator."
Natahimik siya, she appreciated that Anthony's sweet gesture pero alam niyang sooner or later ay kailangan din niyang sabihin dito ang totoo. And she knows that he will accept everything whatever it may be. Hindi pa lang kasi siya handang harapin ang dapat niyang harapin.
"Nabanggit ba sa'yo ni Lena?" ito lang naman kasi talaga ang nakakaalam sa kung ano ang nangyari sa kanya sa dati.
"Not everything as you can see, mas gusto niyang ikaw mismo ang magsabi sa'kin rather than telling her herself."
BINABASA MO ANG
Perfectly Loving you
RomantikMavis Fuentebella is a darling of the crowd and where the spotlight is, she was there standing. Siya ang pinaka sikat na artista sa mga kasabayan niya ngayon at kahit na ba sabihing sandamakmak din ang mga bashers at haters niya yet she love the lim...