Chapter Three: Spotlight

115 4 1
                                    

GIGIL na tinanggal ni Anthony ang facemask sa mukha niya saka ang baseball cap at basta na lang niyang initsa sa may sofa. Tinungo niya ang bar counter at mula roon ay basta na lang niyang hinugot ang kung anong bote ng alak na madampot niya sa glass case.

He was at Cosmic Bar, naiiirita na siya sa mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang litratuhan siya o makipaglitrato sa kanya. He doesn't like the lime light in the first place kaya bakit kailangan niyang pumasok sa gulong 'to.

Binuksan niya ang harak na bote saka kumuha ng shot glass saka basta na lang pinuno ng alak ang baso.

Umupo siya sa may stool at saka hinawi ang may kahabaan niyang buhok sa kanyang mukha. Inisang lagok niya ang alak, saka bumuga ng marahas na hininga. Sinunod-sunod niya ang inom ng alak pero hindi nakakitaan ng kahit na anong pagkalasing ang mukha niya.

Malaks kasi ang alcohol tolerance niya sa mga ganito hanggang sa narinig niyang bumukas ang pinto at niluwa 'non ang isang taong kanina pa niya inaantay.

"Oh, andito ka pala," nakangiting salubong pa sa kanya ng gago saka tumuutok ang mata sa iniinom niyang alak. "Wait, is that my Cognac?" sa mabibilis na hakbang ay lumapit ito sa kanya. "What the fuck! Inubos mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya.

As if hindi niya narinig ang sinabi nito ay inubos niya ang natitirang alam k sa baso niya.

"Gago ka, Antony ang mahal ng alak na 'to!" reklamo nito na para namang hindi nito kayang makabili pa ng ganon. He scoffs, yeah, right.

"Gusto mo bang isa-isahin ko sa'yo ang mga naging kasalanan mo sa'kin?"

"Oh nagsasalita pala ng more than one word si Anthony?" tanong ni Athena sa kasintahan nitong si Dan.

Tumutok ang mata niya dito. "Ikaw, lumapit ka dito," he said motioned her to come forward.

Nagtago ito sa likod ng kasintahan. "Mahal mo ko Dan 'di ba? Hindi mo k hahayaan kainin ng buhay ng kaibigan mo?"

He simply tilted his chin at agad na tumabi ang kaibigan niya. "It's your fault, kaya mo 'yan. Fighting," sabi ni Dan sa pantay na tono na parang pinagdidiskitahan nito ang sariling kasintahan.

"Sino ka? Anong ginawa mo kay Daniel Vergara? Alien ka ba?"

"The more na hindi mo sinusunod si Anthony, magpapatong-patong lang ang kasalanan mo sa kanya."

"Sabi ko nga lalapit na ko, pwede bang lutuan mo ko gutom na ko saka in case you know tawag ka ng nine-one-one kapag may dumanak ng dugo."

Napabuntong-hininga si Dan." Athena."

Wala pa sa alas-kwatro na lumapit ang babae sa kanya, mag-iisang buwan na rin niyang hina-hunting ang dalawang 'to dahil na rin sa ginawang kalokohan sa kanya.

Humalukipkip siya at inaantay niya ang isa sa kanila ang umamin. Hindi niya talaga sukat akalain na magagawa 'to sa kanya ng kaibigan niya.

"Si Renz talaga ang may kasalanan!" pag-amin ni Athena

"Wait, what? Bakit nilalaglag mo ko?" angal agad ng katabi nito. Why is he not surprised?

Lahat na lang ata ng pwedeng pagdiskitahan ay gagawin ng kaibigan niya sukdulang pati ang buhay ng mga kaibigan niya pinagti-tripan nito.

"Spill,"

"Kinuha ni Renz 'yung video sa'kin tapos siya nag-upload sa social media."

"'Oy wala kang ebidensya."

"Tigilan mo ko, Renz," sikmat niya at agad naman nitong isinara ang bibig kasi alam na nito na mainit na ang ulo niya. "You've been avoiding me for a mont now tell me? Anong balak mo?"

Perfectly Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon