APNP#10

6 1 0
                                    

Third person's pov..

(SETTINGS: VALIADORE MANSION/PALACE
Several Months ago before Vena's mission)

"We need to do this Honey,kailangan nating mapaniwala ang mga Cruz na kaibigan tayo para makuha natin ang kailangan natin sa kanila"  sabi ni Welma sa kanyang asawa habang tila nagmamartya sa kanilang kwarto dahil hindi siya mapakali sa kanyang mga naiisip na mali para sa kaalyansang kaharian.

"Hon,mahirap itong innisip mong plano alam mo naman kung gaano katalino't kaimpluwensiya ang mga Cruz at isa pa kaalyansa sila ng kaharian natin ,ang pangit naman kung traydurin natin sila" sabi naman ng asawa na tila hindi sangayon sa plano ng asawa.

"Oo tama ka ,malakas nga ang kaharian nila at matatalino din ang mga namumuno lalo na si Reyna Saturnina at oo kaalyansa nga natin sila at dahil sa mga dahilang iyan ay mas kailangan natin silang mapabagsak upang tayo na ang mangunang kaharian sa bansang ito at isa pa tutulong naman ang Dark Lords saatin at sigurado akong malalakas ang mga - patuloy na sabi ng babae ngunit napagilan ito ng asawa dahil sa mga huling bagay na nasabi niya.

"Da-dark Lords??! Nahihibang ka na ba Welma? Tuso ang mga iyon at nakakatitiyak ako na tayo lamang ang mapapasama kung mapapadamay tayo sa kanila dahil gagamitin lamang nila tayo upang mawala sa landas nila ang mga Cruz..Welma pakiusap huwag mo na ituloy ang plano!" Sabi naman ng lalaki sa asawa ngunit tila matigas nga ang ulo ng babae at lihim na tinuloy pa din ang plano.

Samantala..

"Mahal na Reyna,ayon po dito sainyong E-mail ay nagpadala po ng sulat sainyo si Reyna Welma Valiadore."

(Laman ng sulat)

'Para sa Mahal na Reyna Saturnina ,bilang kaalyansa ng inyong kaharian ay binibigyan ko ng scholarship ang iyong anak sa aming eskwelahan ,sa Valiadore University. Alam namin na mayaman kayo at kaya niyong bilhin kahit mismo ang aming paaralan o kasama na din ang aming mga buhay ngunit ibinibigay namin ito dahil alam namin na bukod sa ating pagkakaibigan ay may angking katalinuhan din ang iyong unica ija ,karapat dapat sa kanya ang scholarship na ito .Kabilang na din sa bibigyan ng scholarship ng aming pamilya ang masipag ,matalino at makisig na tagasilbi ng inyong anak .

Maraming salamat at sana ay pagsangayunan niyo ang aming paanyaya.

Lubos na gumagalang,

Ang Pasaway na PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon