ApnP#3

24 4 0
                                    

Vena's pov..

Uy umaga na ulit mga siszz ..

*Yawn* "

Hala omigosh ,first day nga pala as Grade 12 student mga sizz kailangan ready na ako para maunahan ko si Joaquin at saka sisimulan ko na ang task ni Momshie.

Oo nga pala di ko pala nasabi sainyo,HUMSS nga pala  ang strand ko ,Mass Communication kasi ang gusto ko sa college( SKL,share ko lang).Ala-singko na mga sizz ,magmamadali na ako.

Pakuntikunting hakbang akong bumaba sa hagdan nung inuupahan kong bahay kasi ayaw kong nagising ung mga board mates ko at alam niyo naman yang Personal Alalay ko kahit na magkalayo kaming dalawa niyan nararamdaman niya ang kilos ko,ewan ba kung bakit ganon,letse di ko tuloy magawa mga dapat kong gawin.KABATRIP!.

Nagtooth brush muna ako ,nyee mahina pa tubig dito di tulad sa kaharian namin mala-falls ang pagagos ng water sa lababo.Pagkatapos ko magtooth brush ay dumeretso na ako sa kusina para magluto sana ng pancakes (isa iyon sa mga favorite foods ko kaya nagdala ako ng dalawang box nun galing sa kaharian) ngek kaso hindi nga pala ako marunong magluto kahit ng pancakes kasi sanay ako na nakahanda na ang mga pagkain ko.Ngek!,pano na yan!.

Mission Failed mga sizz! Pano na yan tulog pa si Manang (land lady) nakakahiya naman kung gisingin ko para lang ipagluto ako ng pancakes.

Hmm! Alam ko na manood kaya muna ako ng Youtube,oo tama panoorin ko na lang kung paano magluto ng pancakes at magtimpla ng orange juice.

YOUTUBE..

Yun buti na lang nauso itong Youtube,matututunan ko rin yan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yun buti na lang nauso itong Youtube,matututunan ko rin yan..

Hmm mukhang madali lang naman pala ,kaso ba't ganon laging sunog ung akin,edible pa ba ito.

Ngek,di masarap ung luto ko pero keri na rin lamang tyan na rin yan mga sizz. 5:15 am na ,nagtooth brush ulit ako ,ganyan ako before and after I eat nagtotooth brush talaga ako,eww ayaw ko kaya magamoy imburnal at magkaron ng maduming ngipin,sizz kahit na pasaway ako prinsesa pa rin ako.

After ilang minutes ,mga 5:25 am na
e nagbihis na ako ,skin care (including lip balm) ,pulbo at kunting lip tint lang para di magmukhang matamlay or worst ay anemic.

Maya -maya nun lumabas na ako ng pinto at nakita kong may kotseng nakaabang sakin at iyon ay ang nagiisang P.A ko ,Si Joaquin.

Letse nasundan pa rin ako,may telepathy ba kami nito?

Abangan ..

Ang Pasaway na PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon