APNP#4

24 3 0
                                    

(1ST DAY OF SCHOOL)

Lahat kami ay na sa auditorium para sa ENTRANCE CEREMONY ng Valiadore University (V.U) ,ganto daw kasi sa V.U kapag first day eh ewan siguro pang- welcoming ceremony sa mga students.

Tugtog dito,tugtog don..
Masaya nga talaga pag nagaaral ka mismo sa isang university kesa kapag home school (boring).

"Uy bago ka teh?"

Lapit sakin nang isang babaeng matangkad na maputi  naka jumpsuit na blue ,naka-braid habang nagamit ng phone niya.

"H-hi"

"Ang cute mo naman,ako nga pala si Elisha Aisee Manlapaz "Elise" na lang for short..18 years old na ako..ikaw?"

Wow ah super energetic naman nito ni Elise mukhang magkakasundo kami nito .

"Hello ,ako naman si Vena 18 years old din"

Nagkamay kaming dalawa at ngumiti.Okay na sana kaso biglang may umepal ..Hays!

"MAHAL NA PRINSESA!"

Epal talaga tong si Joaquin kahit kelan,sinabi ko na nga sa kanya na h'wag akong tatawaging PRINSESA kapag nandito na kami sa Maynila e.

Tinitigan ko lang sya ng masama at hindi muna nagsalita.

"Oww may kilala ka na pala dito Vena..cute siya ah ,ano ba name niya?"

Sabi ni Elise na tila kinikilig pa.Pucha ,cute daw si Joaquin eww!

(A/N:crush mo nga eh)

Haysss oo na Author,crush ko sya pero di sya ganon ka-cute kaya tumahimik ka lang.

"Hahaha cute ba yan ,eww!"

"Cute naman talaga ah..anyways ano nga name mo cutieboy?"

Sabay tingin ni Elise kay "cutieboy kuno" na si Joaquin,Tskkk..

"Ako si Joaquin Enriquez ,19 years old pero grade 12 HUMSS din ako..ikinagagalak ko po kayong makilala Ms.Elise"

Wow ah parang ang bait  bait ni Joaquin kay Elise ah..Edi Shing!

"Hehe ,ang formal mo naman masaydo Joaquin ..Elise na lang"

Ito ring si Ate girl ,kumakagat din sa da-moves ni Joaquin ,eww naman!

"Hephep,hoy Joaquin nandito tayo para magaral ah hindi para maghanap ng girlfriend mo..ano ka sinuswerte tama na yang 'getting to know each other momments niyo' "

"Paumanhin Prinsesa.."

"Oo nga pala bakit Prinsesa ang tawag mo sa kanya?"

"Wala lang malakas lang talaga trip nian"

"Ah ganun ba..hihi by the way nice meeting the both of you..7 am na hahanapin ko pa ung room ko"

"Ok sige,nice meeting you din..alis na kami"

Sa paglalakad palayo ni Elise saka naman kami nagusap ni Joaquin habang papunta din kami sa room namin.

"Joaquin,diba sabi ko sayo na wag mo akong tatawaging Prinsesa kapag nagsimula na ang misyon ko lalo na dito sa Maynila..arghh kainis ka!"

"Pasensya na Prinsesa -este Vena pala"

"Good ..dapat Vena lang tawag mo sakin simula ngayon..halika ka na nga baka malate pa tayo eh first day na first day"

Sumakay kami sa elevator at maya-maya ay nakarating na kami sa room namin.

Room 304 (3rd floor) ;12 HUMSS 1

(FUTURE MASS COM.AND CRIMINOLOGY STUDENTS ang nandito kaya ayan kaklase ko si Joaquin sa ayaw at gusto ko)

"Good morning 12 HUMSS 1,I'm Ms. Aira Ynares ,I will be your adviser entire this school year..nice meeting you all 😀"

"Good morning Ms.Ynares" bati nang lahat ,wow mukhang mabait tong si Ms. ah,okay yan ayaw ko pa naman sa terror teacher.

"Okay dahil jan you need to introduce yourselves ,lalo na't may two transferees tayo atsaka di niyo naman din kilala isa't isa kahit na dito kayo nag-grade 11 last school year..hmm let's start with you young lady *turo niya sakin*"

Ano ba yan di pa naman ako sanay sa mga 'introduce yourselves' na yan kasi di naman ako nagaral sa regular school noon,kasi nga home school ako.

"Ako po?,okay sige po.."

Tumayo na ako at pumunta sa harapan para masimulan ko na yan.

"Hi everyone ,I'm Venus Athena *pause kasi muntikan ko na masabi ung CRUZ*
Alvares just call me Vena,18 years old at ang favorite food ko po ay pancakes.nice meeting you all and I hope we can get along to each other 😀"

Lahat  naman sila ay napatingin lamang sakin ,NR (No reaction) lamang sila,dedma ako mga sizz.

"Thank you Ms.Alvares ,now you may now take a seat..ay oo nga pala before you go I want you to call the next person you want to introduce his/her self"

"Okay po..ahmm siya po *ngisi habang turo ko kay Joaquin* hays buti nga sakanya*"

"Mukhang ikaw ijo,sige na magpakilala ka na"

Walang alinglangang tumayo sa harapan si Joaquin at nagsimula na magpakilala.

"Magandang araw po sainyong lahat,ako po si Joaquin Enriquez 19 years old po pero Grade 12 pa lang kasi na-stop po ako ng grade 8..wala akong kahit na anong paborito..gusto ko maging pulis kaya ako nandito yun lamang salamat."

"Thanks Mr.Enriquez ..nice ..since the both of you are  new students you can seat beside each other."

Umupo na kami sa dalawang bakanteng upuan sa likod na malapit sa bintana.

Nung nakaupo na kami biglang may lumapit saking tatlong babae,mapuputi silang lahat at may magagandang katawan at wala akong paki sa kanila dahil halata naman sa mga yan ang pagiging 'social climbers' mga cheap!.

"Hi ang ganda mo pala sa malapitan Ms.Transferee"

"Don't call me that,I had a name and that was Vena *sinungitan ko siya*"

"No one would do that to me VENA,it looks like you did not know who I am,then let me  introduce myself,I am Kaite Ann Del Fuego ,18 years old"

Hindi ako nakipagkamay sa kanya kahit na pilit niyang inaabot ang kamay niya.

SM#1 (SCHOOL MATE) : Arte ,eh si Kaite na nga ang nakikipagkaibigan sa kanya"

SM2:Eww bakit nandito yang weirdo na yan!"

SM3:may new toy na naman sina KAITE..Tsk kawawa naman"

Abangan..

#STOPBULLYING

#PEACEAND ORDER

❤❤❤

Ang Pasaway na PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon