HALUUU!
Joaquin
Ang puso ko ay tila nagtatalon sa tuwa sa mga oras na ito sapagkat nakikita kong masaya ang MAHAL NA PRINSESA.
Naririto kami sa sinehan ,ang lugar na matagal nang nais mapuntuhan ni Prinsesa Vena .Nahahalintulad ang sinehan sa isang teatro ngunit ang kaibahan ay hindi mo masasaksihan ng personal ang pagarteng ginagawa ng mga kasali sa palabas sapagkat ito ay na sa isang malaking telebisyon.Maraming tao ang nabibighani rito at ako lamang ang naiiba sa kanila dahil mas nasisiyahan ako sa pagpapanuod ng teatro kung saan makikita mo ng personal ang pagarte at makikita mo rin dito ang mas totoong emosyon at pagkilos ng bawat isa (mga mali man o tamang galaw).
"Joaquin,wow ang saya pala talagang manuod ng sine hooh..penge nga ulit ng popcorn" ,tila isang batang tuwang tuwa na ang dahilan ay ang makamit ang magandang laruan na pahayag ng prinsesa (hindi mo maikukubli ang kanyang kasiyahang nararamdaman sa mga oras na ito).
Binigay ko sa kanya ang popcorn (mais na nailuto na mayroong asin o minsan ay mayroong mga iba't ibang lasa).
Kumuha siya ng pagkain habang ako naman ay nanunuood ng pelikula habang pasimpleng lumilingon sa magandang mukha ng prinsesa. 'Kung sa araw araw sana'y maaliwalas at masaya ang iyong mukha ay higit ka pang gaganda',kayganda nga naman ng Prinseaa ,lahat ng kalalakihan sa palasyo pinagkakapilahan nga ang Prinsesa ,lahat sila ay nais na mapaibig siya at maging asawa sa hinaharap ngunit mailap ang prinsesa at lahat ng tao sa paligid higit na ang mga lalaki ay kaniyang itinataboy at pinipilit alisin sa kanyang landas kaya nga naisasabi ng karamihan sa akin ay 'Napakaswerte ko daw na maging alalay ng Prinsesa dahil ako lamang ang may opurtunidad na malapitan palagi siya ng walang halong malisya o kung ano pa man.' ,At sa tingin ko tama naman sila kaya nga pinapakitaan ko siya ng maganda kahit na napakasungit at may pagkamaldita siya dahil gusto ko iparamdam sa kaniyang hindi siya nagiisa at mayroong isang taong naiintindihan siya. Naalala ko pa noong labing apat na taong gulang ako,ang unang araw na pagkikita namin ni Prinsesa Vena na nagdilang unang araw ko din sa pagiging alalay niya ,nanaig sa akin ang nerbiyos at hiya sa aking sarili sapagkat nakaharap ko ang pamilyang mayroong dugong bughaw,ang namuno sa EPAL (E-Palace o Electronic Palace) bakit ganon ang tawag ay sa kadahilanang mayroong modernong teknolohiya sa kaharian ,mayroong WIFI connection,cable ,smart phones ,portal ,smart Tv's at etc. ,ngunit noon ay simpleng kahiraan lamang ito kaya ang katawagan lamang dito ay Kahiraan ng Cruz ,ganoon pa rin naman ang tawag dito ng karamihan lalo na ang mga taong may edad na.
Nung unang pagtuntong ko sa kaharian ay hindi ko maisip ang maaring mangyari sa aking kapalaran ,sapagkat hindi naman ako lumaki malapit sa lugar nito dahil lumaki ako sa isang liblib na lugar sa Aurora ,Quezon (ilang kilometrong layo ito sa kaharian) kaya nga ay hindi na umuuwi ang aking ina sa amin sapagkat tagasilbi siya sa kaharian nuong labing walong taon pa lamang siya hanggang sa siya ay magkaroon na nga ng karamdaman , at ito ay kanser sa kanyang buto sa kadahilanan naman ng pagpapadala niya sa akin upang magsilbi sa prinsesa kabila ng pagiging menor de edad ko at kawalaan ng kaalaman sa trabaho ngunit dahil kailangang magkaroon ng tagapalit sa aking ina sa pagsisilbi sa prinsesa na naayon sa nakatala sa batas ng kaharian na kailangang humalili ng panganay na anak ng isang tagasilbi kung ito ay namatay,nagkasakit,nagnakaw o nagtaksil sa kaharian kahit ano pa man ang edad o kasarian nito.
Limang taon ang nakalipas.
Ang unang araw ko sa pagtapak sa isang modernong kaharian ,ang EPAL (E-Palace). Sa labas pa lamang nang kaharian ay tila dama mo na ang katanyagan at karangyaan nito sapagkat mayroon itong napakalawak na hardin ,matayog na palasyo na tila gawa sa mga magagarang kagamitan mula sa mga dinding at sa mga disenyong nakapaloob rito ,hindi basta basta ang mga materyales sa mga kabuuan higit pang makikita ang karangyaan nito pagpasok sa loob.Mula sa pagpasok sa entrada ng kahiraan (dagdagan pa ng mga magigiliw na tagapaklingkod na babati sainyong pagpasok) hanggang sa mga malilit at tagong lugat dito. Puno na ako ng kaba at hiya sa mga panahon na iyon higit pa ng ipakilala na saakin ang magasawang sina Haring Stefan at Reyna Saturnina kasama ang kanilang unica ija na binangsagang 'Pasaway na Prinsesa' sapagkat ang lahat na nagsilbi rito mula siya ay maliit na paslit ay sumusuko sa kaniyang kapilyahan ngunit maliban sa aking ina na natutong magtiyaga sa kanyang ugali at sa kadahilanang kinilala niya ng mabuti ang prinsesa kaya nga nung malaman ko na siya ang aking perasonal na pagsisilbihan ay ilang beses akong natuliro at napapalunok na lamang ng wala sa oras.
Ganito ang pangyayaring naganap sa amin ng Hari ,Reyna at ng Prinsesa:
"Ah ako po si Joaquin Fernandez 14 years old nangangako po ako na aalagaan ko po ang inyong prinsesa ,Reyna Saturnina at Haring Estefan .."
"Salamat ijo,sige sundan mo si Miss Delia at Amy at ituturo nila ang iyong silid at tuturuan ka naman ni Antonio ng iyong trabaho..pagbutihin mo ang iyong trabaho ah sige.."
"Opo.."
Pilit na pilit ang pagwala ng kaba sa aking pagsasalita ,binaling ko rin ang aking tinggin sa prinsesa dahil ba ako ay mahiya sa ilang sa kaniyang pagtitig sa akin mula ulo hanggang paa,wala akong ideya sa kanyang naiisip sa akin noon kaya ako ay umiwas sa kanya at inisip ko na lamang kung paano ko makukuha ang loob niya at nang magawa ko ang aking tungkulin.
Aaminin ko mahirap talagang makuha ang loob ni Prinsesa Vena dahil sa kanyang kapilyahan,pagiging masungit at may pagkamaldita ,ngunit dahil na rin sa tiyaga at awa ng Diyos ay natutunan ko rin ang tamang timpla upang maging malapit sa prinsesa at nang maiyos ko ang pagsisilbi sa kanya kaya ganyan ko na lamang siya pahalagahan at alagaan hindi na lang bilang alalay ngunit isang kaibigan kahit na hindi niya ito nais at sa pagpapataboy niya saakin..
Habang nakatulog na pala sa aking balikat sa sinehan si Prinsesa Vena ay hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinalikan ko siya sa kanyang noo at iniwan ang mga katagang ito 'Mahal na prinsesa ,nangangako akong aalagaan ,pahahalagahan ,poprotektahan at patuloy kitang pagsisilbihan magpakailanman' .
Please vote and commemt..Love you all!
Muah 😘.

BINABASA MO ANG
Ang Pasaway na Prinsesa
Teen FictionSiya si Venus Athena Cruz ,18 years old ang nagiisang anak nina Reyna Saturnina at Haring Estefan Jupiter.Hindi siya isang ordinaryong prinsesang nangangarap ng isang Prince charming at kung ang lahat ng prinsesa ay mahinhin ,Si Vena (palayaw ng Pri...