Joaquin's pov.
Nakita kong may tatlong babaeng lumapit kay Prinsesa Vena ,mga malditang dilag ang mga ito,lalapitan ko na sana si Prinsesa Vena ng makita kong kaya naman niya ang sarili niya.
Buti talaga't malakas ang mahal na Prinsesa at kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kahit na sa mga chismosang yan ,hay na ko mga mukhang espasol naman ang mga mukha.
"Uy pre,ikaw si Joaquin diba?"
May lalaking lumapit sakin na naka headphones pa ,mukhang mayabang at babero dapat iwasan to ng Prinsesa para di siya mapahamak.
Hindi ko muna siya pinansin dahil gumuhit muna ako sa isang papel.
"Pre,kinakausap kita.." nanlilisik na tingin sakin nung damuhong lalaking ito.
"Pre maangas ka ah!,puta ang lakas naman ng loob mo,di mo ba ako kilala ah!"
Maangas na tanong niya sakin ngunit wala akong pakielam sa kanya ,nilagpasan ko lamang siya at direderetsong lumabas ng silid.
CM:Woah! ,ngayon lang may gumawa niyan kay Eze ah.
CM :Ang lulupit ng mga transferree parehong tiklop sina Eze at Kaite
Ang huling mga salita na narinig ko bago ako tuluyang lumabas ng silid ,mukhang mga kinakatukutan ang dalawang yun ah ,mga mukha namang sira ulo.Tsk! Dapat di sila nagpapadaig sa mga yon kasi pareparehong estudyante lamang kami dito.
"Joaquin,antagal mo naman gutom na ako eh!"
Reklamo ni Prinsesa Vena habang nakaupo sa isang upuan sa kantina.
"Pasensya na po Prinsesa"
"Vena nga eh,hays anyways umorder ka na ng makakain natin dali!"
Dumiretso na ako sa isang tindahan ,sakto may burger steak at spaghetti dito tiyak na gusto ito ni Prinsesa Vena.
"Pabili nga po ng dalawang burger steak at spaghetti saka isang kape at isang coke"
"200 po lahat sir"
200 takte ,ang mahal naman dito sa Maynila..Hmm sa bagay sa kaharian ay libre lamang ang mga pagkain basta ikaw ay taga-lingkod sa kaharian.
"Ito na po ang bayad.."
"Salamat ,ito na ang sukli mo ijo"
Kinuha ko na ang mga pagkain at ang sukli galing sa tindera.
"Yes ,buti naman at makakain na tayo"
"Vena ,masarap ba?"
"Oo naman pero mas masarap pa rin ung sa kaharian"
"Kamusta ung nangyari sa inyo nung mga babae kanina."
"Hmmp! ,edi binigyan ko sya ng 'Markang Vena' sa cr ang kapal niya kala mo naman maganda mukha namang espasol"
"Hahaha ikaw talaga Prinsesa kahit kelan ay pilya at maldita ka"
"Sus ,ganon talaga dapat..ikaw ba anong aksyon mo dun sa lalaking mukhang punong puno ng hangin sa katawan?"
"Yun ba ,ung damuhong na si Eze..yun wala lang akong ginawa"
"Wala.eh narinig ko kanina sa iba nating classmate na "ang lulupit ng transferee parehong tiklop si Eze at Kaite" ano ibig sabihin nila dun?"
"Yun ba ,un nga wala akong ginawa di ko siya pinansin kaya yun nasabi nila yun akala ata nila lahat ng tao dito ay may takot sa kanila"
"Hahaha ikaw na talaga! ,kahit minsan bwisit ka sa buhay ko pero atlist natuto ka na rin sakin..ganyan dapat *apir*"
Ewan pero parang iba ang epekto ni Vena sa akin pagkatapos namin mag-apir nahawakan ko lang ang malalambot niyang kamay eh parang nawalan ako ng sarili kong bait.
"Tulaley much?!halika na nga may next class pa daw tayo"
Ganyan yan si Prinsesa Vena ,mabait yan ngunit maldita at masungit din at dahil dun nanatili akong nandito sa tabi niya mula nung nagsimula akong maglingkod sa kanilang pamilya.
Third person's pov
Andito na ako sa V.U ,ang tagal na rin nang mawala ako dito ah,siguro 3 years na rin .Naririnig ko na naghaharian daw sina Eze,Gavy at Ozick tapos nagreynareynahan naman sina Kaite,Schnitzel at Pacifica (Ksp girls).
Sus ,akala mo naman mga totoong reyna at hari ,well mawawala na sila sa pagbabalik ng mga totoong reyna't hari.
Nandito na kami ang Valiadore Twins,ang tunay na Prinsesa't prinsipe ng University.
ABANGAN..
PLEASE VOTE AND COMMENT ❤❤❤
-SINO KAYA ANG MGA VALIADORE TWINS SA BUHAY NINA VENA AT JOAQUIN SA JOURNEY NILA SA VALIADORE UNIVERSITY.-

BINABASA MO ANG
Ang Pasaway na Prinsesa
Teen FictionSiya si Venus Athena Cruz ,18 years old ang nagiisang anak nina Reyna Saturnina at Haring Estefan Jupiter.Hindi siya isang ordinaryong prinsesang nangangarap ng isang Prince charming at kung ang lahat ng prinsesa ay mahinhin ,Si Vena (palayaw ng Pri...