Si Byrone ay isang simpleng tao lang.. Gwapo, Mabait at Masayahing tao..
Nakaupo lang si Byrone sa labas ng bahay nila nung oras na iyon at ito ay tulala..
Umiiyak si Byrone dahil sa hindi matanggap nito ang pagkawala ni Melody kanyang buhay..
Tumingala sya sa langit at ito ay nagtanong..
Byrone: Bakit ganun God? Akala ko wala ng katapusan itong sa'min ni Melody.. Gabi-gabi ko naman po siya pinapanalangin sa inyo na sana siya na hanggang sa huli.. :'(
Pagod na pagod na ako magmahal muli..
May bagong kikilalanin, liligawan, magiging girlfriend, magiging masaya at pagdadaanan yun mga pagsubok na ibibigay nyo pero ano?
maghihiwalay din sa huli.. :'(
Narinig ito ng tito ni Byrone kaya ito ay tumabi sa kanya..
Tito Qwerty: Alam mo Byrone, Ang Love ay parang Trial and Error yan..
Kapag nag Error.. Try Again!
try lang ng try Byrone hanggang sa magwork talaga..
Hwag ka matakot magmahal muli dahil sa bawat pagkakabigo natin ay merong aral dito na nakukuha natin at gagamitin natin lahat ng mga aral na iyon sa Tamang Panahon kapag kasama na natin yun Tao na talagang nakalaan para satin..
Para kaya na natin syang Ingatan..
Byrone: Ibig sabihin si Melody ay isa lang bahagi sa mga dapat kong pagdaanan sa buhay?
Tito Qwerty: Parang ganun na nga.. Makakahanap ka din Byrone ng KATAPAT MO..
Yun BEYOND your Expectations..
Byrone: Ano po ibig mong sabihin tito?
Tito Qwerty: Yun Girl na makakapagpabago ng buhay mo, un tatanggapin yun mga Kahinaan at pagkakamali mo sa kanya at Higit sa lahat hinding hindi ka nya IIWAN.. :)
Byrone: Kailan ko pa kaya sya makikilala tito?
Tito Qwerty: Ayun ang hindi ko alam.. kaya dapat magmahal ka muli kasi malay mo yun susunod na mamahalin mo.. Sya na talaga diba? :)
Byrone: Kung sabagay tama ka Tito. Hehe.. salamat po sa Payo ha? Galing galing! ^_^
Tito Qwerty: Baliw! Hahaha!
KINABUKASAN..
Byone: Wow ha! Ang ganda ng gising ko.. nyahaha! Ano meron?
Nakamove on na kaya ako? hayy..
Pagpasok ni Byrone sa School..
(First Day of School - 2nd Semester )
Habang hinihintay ni Byrone at kanyang mga kaklase ang kanilang Professor ay naisipan ni Byrone na lumabas muna at nung paglabas nya ng pinto..
Nakaharapan nya ang isang napakagandang babae at ito ay nagtatanong sa kanya..
(NGANGA si Byrone)
Lovely: Hello? May kausap ba ako? Kanina pa kasi ako nagtatanong..
Byrone: Ay sorry! Ano ba ulit tanong mo?
Lovely: BSIT 2a Kayo diba?
Byrone: Oo.. bakit?
Lovely: Kayo pala yun magiging Classmate ko.. :">
Byrone: Ha? Nagshift ka ba ng Course o bagong Transfer?
Lovely: Bagong Transfer lang ako dito sa School.. ako nga pala si Lovely.. :">
