Chapter 1

2 0 0
                                    


"May kasama pa ba kayong hindi pa nakakasakay mga Ma'am? Sir? Aalis na po tayo."



"Sir! Wait lang po! May sasakay pa!" Sukbit ang backpack at tent sa balikat, binilisan ko ang pagtakbo.



Napatigil ako nang huminto ang isang lalaki sa mismong harap ng kahoy na hagdan paakyat sa bangka. Nauna siya sa akin.


"Ladies first," anito nang lingunin ako, minuwestra ang hagdan na kahoy.



Agad akong tumalima. "Thanks." Nagsimula na akong umakyat sa hagdan na kahoy.



Ipinanhawak ko ang kanan kong kamay sa gilid ng bangka upang maalalayan ko ang sarili sa pag-akyat. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagsunod agad nu'ng lalaki sa akin. Gumewang ang hagdan na kahoy.




Mabilis na nahawakan ng lalaking ang likod ng bag ko para mabalik ang balanse ko.



"Thanks."


"And this how story starts in the movie. Sana pala sinalo nalang kita." I heard him said quietly behind me, scoffing.






Bumaling ako. "Puwede namang ulitin natin." Suhestiyon ko, makalinya kasi. The corner of his lips rose a little almost a smile. Almost.





"I don't think kaya kitang buhatin. Umabante kana, Miss," sinulyapan niya ang nagtatawag kanina. "Naghihintay na si Manong."



Walang imik nalang akong nagpatuloy sa pag-akyat, making sure that I'm stepping the right spot.



Pinili kong maupo sa pinakadulo para mas tahimik. Inilabas ko ang camera para kuhanan ng larawan ang paligid hanggang sa umandar ang bangka.




Nangingiti akong sinisinghot ang hangin habang nakapikit. Ah, sea breeze. Nililipad ng hangin ang buhok ko. Nangingiti kong pinapanood ang dagat pati na ang mga dolphins na nakikisabay sa bangka.




Ah, this life.



Ako nga pala si Pamela Gozon. Single at masaya. Hindi rin fresh from break up dahil matagal na nu'ng naghiwalay kami ni ex. Napapaisip ako, kung hindi ko siguro napagdanaanan ang pangit na mga pangyayari sa buhay ko ay hindi siguro ako magiging ganito kasaya at kontento.




Like, everything revolves me are so damn beautiful. OA it may seems pero totoo. Naaaliw kong pinapanood ang mga isda sa dagat. See? Ang babaw ng kaligayahan ko.




Naramdaman kong may tumabi sa akin. Iyong lalaki kanina. Tumihaya siya sa sandalan. "Don't assume," agap niya sa curious kong hitsura, like he's still seeing me in his eyes close, "masyadong  mainit lang sa deck."




Napaka-feeling. "I'm not. Assumero ka lang." Cool akong umayos ng upo while browsing my photos.



"Come to think of it. Dapat ka talagang mag-isip ng kung ano."




"Like what?"




"Ikaw ang tinabihan ko kahit marami namang bakante."




Nang iginala ko ang tingin, nakompirma kong marami ngang bakante. "Trip mo ako, gano'n?"





"Siyempre, hindi." Kaswal niyang agap. Pinagtitripan niya ngang ako talaga.




"Then, why?"



"Titingnan ko lang kung maiilang ka sa akin." Tapos bigla siyang humarap sa akin at tinitigan ako.  Bumuka ang labi ko para magsalita ng maanghang na comeback pero walang lumabas. He got me there for a second. I nearly touch my chest dahil biglang kumabog. "See? You're speechless."



Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)Where stories live. Discover now