Chapter 9

0 0 0
                                    

Buong katawan ko ang masakit nang magising kinabukasan. Pero mas higit ang buong binti ko.  Mabilis ang paglingon ko sa pintuan. Gising na kaya siya? Iyong lalaki? I mean, si Nathaniel?





Malinaw na malinaw ang alaala ko kagabi. Sa sobrang linaw, e ginusto ko nalang na sana, totoo ang sabi-sabi na nakakalimot daw ang alak. Pero hindi. Subok ko na iyan noon. Sobrang linaw nilang lahat. Sa sobrang linaw, gusto ko nalang uminom ulit.




"Lalabas na ba ako?" Nang tingnan ko ang orasan sa mesa ko ay alas otso na raw ng umaga.


Naligo ako para matanggal ang lahat ng amoy ng alak sa sistema ko. I should apologize, I think. I don't want to be awkward in front of him.


Paglabas ko ng kwarto ay agad ang pagdiin ng kapit ko sa hamba. Nasa living room siya, mismong harap ng kwarto ko at kwarto niya. Nanonood ng TV. Mission Impossible Fallout ang showing sa HBO. Umurong ang kagustuhan kong magsorry. Maingat nalang akong humakbang palabas. Mamaya nalang siguro. Wala naman kasi akong ginagawang masama bakit ba ako takot na takot? Hindi naman krimen ang mga lumalabas sa bibig ko kagabi.




I should apologize now to end this agony of mine. I'm not comfortable on this. Hindi ko namalayang bumaling na siya sa gawi ko. Sa pagkataranta ko ay napaunat ako ng braso.

"Ang sarap talaga ng tulog ko," napangiwi ako. "Grabe, sumakit ang buo kong katawan," dinaanan ko siya at binati. "Uy, good morning sa'yo."




Tipid lang siyang tumango at mabilis na ibinalik ang pansin sa pinapanood.  "How's your feet?"



Huminto ako sa paghakbang. "Nangangalay lang," napapalunok kong sagot na hindi tumitingin sa kanya.


"Good."



"Yeah."



"Hmm..." muling aniya. Hindi ko alam kung may sadya siyang asarin ako dahil sa sagot niya o ano.



Inosente ko siyang hinarap at nginitian. "Nag-enjoy ka ba kahapon at kagabi? Ang saya, 'no? Diving tayo next time, may mga dolphins na sa susunod."



Naikiling niya ang ulo, pinagmasdan ang kabuuan ko. Hindi malalaman kung casual lang akong titingnan o mangingiti. May miminsang titingnan ako pagkatapos ay muling ibinabalik sa pinapanood ang tingin saka titingnan akong muli.



"Grabe, ang sarap ng mga seafoods, 'no?" Dagdag ko pa.  "Ah, saka, ano..." kinakabahan kong nakamot ang panga. "Wala na akong natandaan pagkatapos no'n. Haha! Grabe pala ang alak, 'no? Nakakalimot." Pinag-sway ko ang dalawang kamay, ma-distract lamang ako.  "Wala akong naalala kaya kalimutan nalang natin ang lahat. Kung meron man, ano?" Alanganin ang ngiti ko pagkatapos.



Sa huli, hindi niya na napigilan. Itinukod niya sa dalawang tuhod ang parehong kamay at doon ngumiti.

Nang mag-angat siya ng tingin ay dumeretso na ako sa kusina. Binuksan ko ang ref, doon ko itinapat ang mukha ng mga isang minuto. "Dapat mag-sorry nalang ako."  Sinilip ko ang gawi niya. Ayun, nanonood pa rin. Nu'ng akmang gagalaw ang leeg niya pagawi sa akin ay muli ko na namang isinuksok ang ulo sa loob ng ref.







Ang isang minuto ay naging tatlo yata iyon. Hindi ko alam kung saan ko idadapo ang mata nang may humila sa handle ng ref.



"Kukuha lang ng tubig."






Pilit ang ngiting hinarap ko siya at binigyang daan sa sadya niya. "Go on."



Habang umiinom siya, kalkulado naman ang galaw kong nagtitimpla ng pang-umagang inumin ko sa mesa. I can't bring myself to speak.


Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)Where stories live. Discover now