NICE?
Alin? Ang dance moves ko? Napalinga tuloy ako kinabukasan nu'ng nasa dagat na ako dahil baka nasa paligid lang ang taong 'yun. Napa-ismid ako. May sumpa yata ang salitang 'yun, e. Nagpalangoy-langoy nalang ako ng mga ilang minuto para hindi na ako magwo-work outs mamaya.
Tumihaya ako mula sa paglalangoy. May kalamigan pa ang dagat. Papasikat pa lang ang araw at ang linaw ng kalangitan.
"Ang sarap mabuhay, ano, Pam?" pagkausap ko sarili.
Kung hindi kaya dumating si Mikee noon, ganito pa rin kaya ang pananaw ko? Hindi siguro. Ang laki ng impact ni Mikee sa buhay ko. He's been my savior for years. Baka kung saan ako pulutin kung wala siya.
But things ended even if we wanted to continue.
Wala sa sariling nahaplos ko ang aking pisngi. "Proud ako sa'yo, Pamela." Payapa kong tiningala ang langit. Handa ako sa kung ano mang darating sa buhay ko. Mamahalin ko ang mga karanasan ko at mararanasan pa.
Lumangoy ako pabalik sa dalampasigan. Daig ko pa ang model sa pagsipsip ng juice ko nang maupo sa upuan. Kinuskos ko na rin ang buhok.
"Ah, this is life." I took a few selfies. Selfie here and then I'm off to ligo na naman.
Umahon ako nang makaramdam na ng pagod. Nang makapagbanlaw at makapagbihis ay pinlay ko ang You Belong With Me ni Taylor swift sa stereo na nasa living room. I even copied her style sa music video na iyon. I wore lose shirt and pajama. I also curled may hair. Pero bi-nun ko muna dahil magluluto ako.
Binuksan ko ang lahat ng sliding door para fresh sa loob. I even tied the curtain. Ah, daig ko pa ang nasa Maldives.
"You're on the phone with your girlfriend, she's upset..."
I started ramming the kitchen. Preparing all the ingredients while singing.
"But she wears short skirts, and I wear T-shirt..."
Inuna kong lutuin ang ube na ibinigay ni Tita sa akin kagabi. Nilagyan ko ng gatas and that. Nang matapos ako ay inilagay ko muna sa ref. Hinulma ko muna siya. May mga hulmahan kasi rito. Mas masarap kapag malamig iyon i-serve. Naalala ko ang kapit-bahay namin na dating mahilig magbigay ng mga pagkain.
Later nalang.
"She's cheer captain and I'm on the bleachers dreaming about the day when you wake up and find that what you're looking for has been here all the time..."
Habang nagpapakulo niyon ay breakfast ko na ang inasikaso ko. Bumwelo ako para sa chorus.
"If you could see that I'm the one who understands you..." I'm so alive!
Nang matapos ang kanta ay pinlay ko naman ang isa pang kanta. Iyong Ever After. Mas buhay ang dugo ko sa kantang ito.
Napapagiling ako sa kantang ito. "I still believe in ever after, with you...yeah!"
Natahimik lang ako nang kumain na ako. Kinuha ko na rin ang ube. My dessert, fellas! Yum.
Pumwesto ako sa swing. Pero nang may maalala ay agad akong tumayo. Tama, bibigyan ko pala sila Aling Carina.
Sa isang kamay ko'y bitbit ko ang ibibigay ko at sa kabila kong kamay ay ang pagkaing binawasan ko na. Ngumunguya ako habang naglalakad pagawi sa kapitbahay.
"Aling Caring?" Pagkatok ko. Naeexcite akong makipagchika. Ilang taon din akong hindi nakauwi rito. Kukumustahin ko lang din ang long lost crush ko noong high school na anak niya. Charot. "Si Pamela po ito. Aling Caring?"
YOU ARE READING
Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)
General Fiction"I wonder if you're looking at the same stars at night. I know you're doing good wherever you are, still, I prayed that you're living your life well." -Pamela-