Chapter 8

0 0 0
                                    


"Well. Maybe? I don't know."

"Don't bother try it on me," bigla ay bawi niya, nilagpasan ako.


I smiled sweetly kahit nakatalikod siya sa akin. "I won't."




Sumunod ako sa kanya. Hinayaan ko siyang pumili ng puwesto. May karamihan ang mga customers sa loob. Karamihan ay mga foreigner. Up beat music ang pumainlang sa loob ng resto. Gawa sa bamboo tree ang resto. Matibay ang pagkakagawa. Moderno ang disenyo sa loob. Piniling sa dulo maupo ng lalaki, roon sa tanaw ang buong karagatan at kahabaan ng resort.




"Maganda rito, 'no?" namamangha kong inilibot ang tingin sa paligid, tinabihan siyang nakatayo habang nakatukod ang parehong kamay sa balustre. "First time mo rito?"


"Yes," maikli niyang sagot.


"Ah, tama. Siguro no'ng una mong punta rito ay hindi pa ito ganito."


Tumingala ako. Nagsimula nang sumisilip ang mga bituin sa kalangitan, dinaig ang ganda ng mga ilaw.



"What's beautiful in there?" naguguluhang tanong ng katabi ko, confirming that he's not a romantic person.



"Ikaw lang yatang kilala ko na hindi nagagandahan sa mga stars."





"They are just a celestial body of the galaxy."


"Alam ko but everytime I look at the stars, there's a something in here," turo ko sa dibdib ko. "Hindi ko alam kung tuwa ba ito o lungkot. Iba ang pakiramdam ang idinudulot sa akin." I laugh at my own words. "I'm a romantic person. Ganito kahit nakatingin lang ako sa buwan, sunrise man o sunset. I'm always in love sa kahit anong bagay na nasa paligid ko," pagpapatuloy ko. It's true.




Walang imik siyang nakikinig sa akin sa tabi ko. "I'm not romantic," aniya makaraan ang sandali.


Ngumiti ako. "I know."


"Pero nai-inlove ako..." tumaas ang sulok ng labi niya, almost a smile pero agad din iyong nabura. "Sa tao nga lang."



Agad akong napaiwas ng tingin. What's with this man? Ang hirap pangitiin at pagsalitain pero kapag nagsalita naman, iba ang datingan ng mga salitang lumalabas sa bibig. It's like when he talk, his words were meant for something. His voice were always foreign. There's something in there I can't point my finger on.


Nauna akong bumalik sa upuan nang pagawi na ang crew sa table namin. I ordered heavy meal. Bahala na. Nagugutom ako, lakas makahila ng lakas ang paliligo sa dagat. Dagdagan ko nalang ang work outs ko bukas. Nag-order ako ng pusit saka sugpo. Freshly squeezed pineapple naman ang sa drinks. Kailangang mayaman sa fiber ang iinumin ko.



Nag-order din ang lalaki pagkatapos ko. We're quiet hanggang sa ma-serve na ang pagkain. Gusto kong magsalita tungkol sa kung gaano kasarap ang mga pagkain and the foods here were the best pero nang tingnan ko kung gaano ka-focus ang lalaki sa pagkain ay pinili ko nalang ang manahimik.




His hands gesture were precise. Sa pagtanggal ng shell ng alimango at pagkuha ng laman. Hanggang sa pagsubo at pagnguya. Malalaki naman ang subo niya pero kung sa kabuuan tingnan, talagang ang pormal niyang kumain. Hindi rin makalat ang plato niya.



Napatingin ako sa cell phone niya nang magring. Agad ko rin namang iwinaglit ang tingin doon at nagpatuloy sa pagkain. Pero mukhang walang balak sagutin ng lalaki ang phone. Pinatay niya lang ang phone.
Muling dumaan ang waiter, sabay naming kinawayan ito.



Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)Where stories live. Discover now