My room?
Tulala akong nakamasid sa likod ng lalaki na inaayos ang higaan ko.
Kama ko!
Pinagpagan niya iyon. Tiningala niya ako nang matapos siya. Nanuyo nga naman ang lalamunan ko at para akong hahapuin. The situation I'm in was so weird.
"Teka lang ha," awat ko, hinigpitan ko na rin ang tali ng roba ko kahit nanatiling nasa mukha ko ang tingin niya. "Nagtatanong ka kung nasaan ang kuwarto ko, tama?"
Prente siyang humiga at ipinatong ang kanang braso niya sa noo na parang wala lang ako sa kwarto, na parang sa kanya itong kuwarto!
He motioned me to continue by nodding.
"Bakit nandito ka? Bakit sa kuwarto ko at bakit dito?!" Hindi ko na napigilan ang sarili. Napapasapo ako sa noo. "Hindi tayo close, ni pangalan mo nga ay hindi ko alam. You were always rude to me."
Mabagal siyang tumingin sa akin. "Puwedeng bukas nalang? Magpapaliwanag ako. Huwag lang ngayon. Kailangan ko ng tulog." Wow, ako pa ang mag-adjust?
I inhaled deeply, baka man lang kumalma ako. Sayang naman ng skin care ko kung titirahin lang ako ng stress dahil sa lalaking hindi ko kilala.
"But this is my room," protesta ko pa.
"Does it made you nervous?"
"Siyempre, oo," agaran pero kalmado kong sagot. "Sinong hindi ninerbyusin, ha?"
The side of his lips rose up. "Wala akong gagawing masama sa'yo. Relax."
At some point, ramdam kong wala ngang gagawin ang lalaking 'to. He's too proud to degrade his self by doing that thing on me. So, I felt at ease a little. Nahiga na rin ako sa tabi niya. Parang gustong manakit ng ulo ko sa isiping estranghero ang kasama ko sa kama.
"Please behave," sabi ko pa rin sa kabila ng sinabi niya at distansya namin.
Kapwa kami napabaling ang tingin sa kabilang bahay nang pumalahaw ng iyak ang isa sa mga bata. Oo, feeling ko dalawang bata ang nando'n.
"That is the reason kaya ako ayaw ko roon."
"It's so wrong not to like your kids," I said, glancing at him. His eyes now were close.
"Wala akong mga anak kung iyan ang iniisip mo. Kung meron man, hindi ako papasok dito sa kuwarto mo para makitulog," he casually said. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o sadyang ganyan lang siya ka-confident sa lahat ng sinasabi na naging totoo lahat.
I choose to trust him. May sense naman ang sinabi niya. "I believe you. Pero..." I trailed of, muli siyang napadilat. "Hindi ka naman siguro siraulo, ano?" Paninigurado ko pa because that doesn't mean, I can loosen up because of what he said.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit mo pa ako pinatuloy kung hindi ka sigurado sa sarili mong siguridad?"
Natigilan ako. Tama siya. "You're right." I sighed. "Now, get out." Nagsimula na akong bumangon para pagbuksan siya ng pinto.
Pero nang lingunin ko siya ay may takip ng unan ang mukha niya. "Too, late, inaantok na ako," he said on muffled voice. Sumilip siya mula sa unan. "Mukha ba akong manyakis sa'yo?" Tanong niya bigla, and I was caught off guard. I took that time to analyze his feature then I slowly shook my head.
YOU ARE READING
Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)
General Fiction"I wonder if you're looking at the same stars at night. I know you're doing good wherever you are, still, I prayed that you're living your life well." -Pamela-