Chapter 3

1 0 0
                                    

Umalis na ako sa harap nu'ng lalaki bago pa siya makapagsalita. Sana nga hindi na kami magkita pa. Kinikilabutan ako sa sarili ko tuwing naalala ang pinagsasabi at pinanggagawa ko kanina.

Nasa baybayin pa lang ako ay mga pamilyar na mukha na agad ang mga nakakasalamuha ko. Ang ibang taga-rito ay umaalis lumilipat sa syudad. Pero hindi naman lahat ay umaalis. Karamihan din naman ay nanatili rito. Ang iba, rito na nakapag-asawa at ang iba naman ay walang balak iwanan ang islang ito.

Tulad nalang ni Tita Yvette. Kapatid ni Papa. Ayun siya, karay-karay ang mga pinamili. Pero kahit gano'n napaka-doña pa rin kung maglakad kahit hindi naman talaga doña.

Kinawayan ko siya. "Tita Yvette!" Nagtaka ako nu'ng tiningnan lang niya ako saka nagpatuloy ng lakad. Tinawag ko siyang muli. Roon na siya tuluyang huminto at pinakatitigan ako. Itinaas ko na ang dalawang kamay. Nagulat ang mala-postura niyang hitsura, pinaraanan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mayabang akong ngumiti sa kanya saka bahagya akong nagpose sa harap niya. Umikot ako at iwinasiwas ko ang buhok kong hanggang sa panga.

It's summer, duh. Mainit kapag mahabang ang buhok. Hindi naman ako gano'n ka-obssess sa buhok ko.

"Ano ba 'yan, Tita, speechless lang? Ganda ko na, 'no?"

Doon lang siya natauhan. "Uhugin!" Tili niya na ikinangisi ko. Hindi na ako pikon, e. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Sinilip ang likod at mukha ko. "Ang ganda mo na! Anong glow up ba nangyari sa'yo?" Kinulong niya ang mukha ko sa dalawa niyang palad. Makikita ko ang galak sa kanyang mukha. "Ganda mo ng bata ka. Ano ba ang nilaklak mo? Ang ganda ng balat mo. Paano kuminis ng ganyan ang balat mo?"

Tumawa ako. "Tita, saan ko pa ba mamamana ang kagandahan ko kundi sayo lang din naman."

Maarte siyang nagteary-eyed. "I know, baby. I'm so touched."

"Hindi ka naman bubuntisin ni Tito kung hindi ka maganda."

Namula siya sa sinabi ko. Alam kasi namin pareho na hindi kasalanan ni Tito kung bakit nabuntis siya.

"Guwapo niya, papalagpasin ko pa ba? Ayun nga ang bunga ng kabaliwan ko sa kanya," inginuso niya ang pinsan kong karga na ngayon ni Tito. Parehong may ice cream sa mukha.

"Ang guwapo ni Tito," pang-aasar ko sa Tita ko. Akala ko sasakmalin niya ang buhok ko pero umabrisyete lang siya sa akin.

"Alam ko, baby." Sabay naming pinapanood ang ang asawa niya at pinsan ko. No kidding, ang guwapo ni Tito Conrad. "At wala siyang kapatid."

Umikot ang bilog ng mata ko. "Mas type ko ang mga manila boy for your imformation."

"Niloko ka naman," pasiring niya, tumitikwas ang kilay.

"Heard that." Sabi ko. Kung bumulong lang kasi iyon pang abot sa pandinig ko. Lumapit nalang kami kay Tito. "Hi baby Summer!" Kinaway ko ang kamay. Lumiwanag agad ang cute-cute niyang mga mata. Ang taba.

"Auntie!" Nagkakawag agad ang kamay niyang puno ng ice cream. Diba? Weird kami, pinsan niya dapat ako pero auntie ang tawag sa akin.

"Kumusta, Pam? Bakit wala kang isinamang boyfriend?" Tanong ni Tito. Sumimangot agad ako. Napangisi siya sa reaction ko. "Sakit, 'no? Manila boy pa more."

Masama ang tingin ko sa kanya. Pinagtsi-tsismisan yata nila ako, e.

"Huwag kang mag-alala, baby. Ang sakit dumadaan pero may panibagong pagmamahal na darating sayo na hindi mo inaasahan." May mayabang na ngiti sa labi niya pagkatapos ay pumalatak. Nahimas niya ang baba. "Grabe ang galing ko talaga."

"Expert iyan." Si Tita.

Nahaplos ni Tito ang dibdib. "Kiss nga riyan." Iniumang ang pisngi kay Tita. "Sige na, kahit dito sa pisngi nalang. Mamayang gabi nalang ang iba."

Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)Where stories live. Discover now