Chapter 7

0 0 0
                                    




May mata ba siya sa likod? That's, well, creepy of me.



Dahil wala pa akong naisipang gagawin ngayong araw, I decided na mag-exercise nalang ako. Ilang araw rin akong natigil tanging swimming lang ang nagagawa ko, and I think it's not enough lalo pa at dumadami ang kain ko rito. I wore my lose white shirt and black leggings. Nag-set ako ng timer. Sapat na siguro ang 30 minutes. Pinlay ko ang paborito kong podcast bago nag-warm up.




I do a few stretching then proceed na ako sa usual exercises ko. Tagaktak na ang pawis ko nang tumunog ang timer. Lumabas ako para kumuha ako ng tubig sa ref habang nagpupunas ng pawis. Naabutan ko ang kasama sa kusina.



"Ano ang niluluto mo?"



"Pork sinigang," maikli niyang sagot habang hindi lumilingon sa akin. He seems focus sa ginagawa.



Sinilip ko ang ginagawa niya. "Hmm, bango.  Paano kang natuto magluto?" Pagsisimula ko ng conversation.



Tinikman niya muna ang sabaw bago niya ako sinagot. "My Mom. Tikman mo," aniya matapos kumuha ng isa pang kutsara, kumuha siya ng sabaw at iniumang sa bibig ko.



"I...what?" Bigla lumipad ang laman ng utak ko. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin dahil sa pag-umang niya ng kutsara sa bibig ko.



"Tikman mo. Magkaiba tayo ng panlasa."


Ang awkward naman nito. Pero bakit parang ako lang ang nakaramdam?


"Okay." Ibinuka ko ang bibig para hipan ang sabaw bago ko tinikman.


"So?"



Namilog ang bibig ko, ginawaran ko siya ng natutuwang ngiti. "Approve!"



Hinugasan niya na ang mga kutsarang nagamit saka pinatay na ang stove maya-maya. Nagpunas siya ng kamay. Nagulat pa siya nang makitang nasa harap pa niya ako sa paglingon niya. "Ano pa ang ginagawa mo rito?"


"No thank you?"




"Why should I?"


Lumaylay ang balikat ko. Tumalikod nalang ako para magshower. Nagutom na rin ako.  Fresh na ako nu'ng lumabas. Summer dress ulit ang suot ko na light ang color. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang muli akong dumulog sa dining.




"Ano ba ang plano mo ngayon? May plano kang maligo? Gumala?" Magana kong tanong sa kanya. I'm just being nice here. Isa pa, baka ganyan na talaga siya. May tao talagang tulad niya. Minsan naman ay okay siya, so baka kailangan lang na mapanatag muna ang loob niya sa akin. Isang buwan din ang bubunuin namin ditong magkasama.






"I'm planning for a snorkle mamayang hapon," sagot niya matapos uminom ng tubig.





Ipinagsilakop ko ang parehong palad. "Can I come with you?" Excited kong tanong.



Tumayo na siya upang ilagay ang plato sa sink. "Bahala ka."




Napa-fist pump ako sa ere. "Yes!"




"Are you that happy?" Muli rin siyang umupo sa tapat ko matapos ilagay ang mga plato sa sink.




Sunod-sunod akong tumango, nakangiti. "Yeah."




Itinago niya ang pagngiwi sa pagkalikot ng phone niyang nasa mesa. Mukhang may ka-text. Nang matapos siya at tumayo na, akmang huhugasan ang plato ay agad ko siyang pinigilan.





Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)Where stories live. Discover now