Chapter 6

0 0 0
                                    

Isang umaga ay natanaw ko siyang nagpu-push ups sa balkonahe. Pansin kong hindi siya nagta-topless unlike other guys. He's always with his shirt. Plain shirt. I don't know, perobakit mas nakakaagaw ng mata ang mga view na pasilip lang? Saktong paglingon ko ulit ay nagpupunas na siya ng mukha gamit ang laylayan ng shirt. Nasilip ko ulit.


Mabilis din ang pagtalikod ko para gumawa ng agahan. "Ugh, Pam. Utang na loob, maraming mas maganda ang katawan sa kanya."

Like my usual routine, I play some music, nagprepare na rin akong mga ingredients para sa almusal.

I heard his footsteps. "What do you want for breakfast?" I asked, not looking at him.  Ah, ano ang itatawag ko sa kanya? Naalala kong hindi ko pala alam ang pangalan niya.


Kumuha lang siya ng tubig. "Anything, hindi ako mapili."

"Okay."

Akma na siyang tatalikod nang may maalala. "Kailan ka mag-go-grocery? I want to come with you."


Oo nga pala, napag-usapan naming fifty-fifty kami sa grocery. Nagbayad na rin siya sa kanyang renta at para na rin sa bill.



"Sa Sunday pa. Siya nga pala, after nating kumain, sumama ka sa akin papunta kila Tita."

Nabitin ang akma niyang pag-alis. "Bakit?"

"Ipagpaalam kita, siyempre."

He opened the lead of the mineral water and drank it. Pinahiran niya lang ng basang sleeve niya ang labi. "Was this a shotgun marriage? Kakabahan na ba ako?" Napaka-OA niya.


I choose to ignore his remarks. "Ipagpaalam kitang magrerent ka rito dahil hindi naman tayo magsyota and we're practically stranger. Isa pa, dalaga ako, dalagang Pilipina," I pointed out. "Kilala ako ng lahat ng mga tao rito. Baka ano nalang ang iisipin nila, diba?


"Ang hirap mo naman palang maging girlfriend."


Nilagay ko na sa serving plate ang fried rice na niluto ko. "Yeah, if ever man na syota kita, hindi ka nila hahayaang magsama tayo sa iisang bahay."

"I thought you had a boytoy?" He asked, not thinking the term he used.



For the second time, I chose to ignore his remark. "Patago iyon at hindi rito sa probinsya."


"That's interesting."


"Yeah, pero 'di kita type."

"Me, neither," sabi niya at bago siya tuluyang tumalikod ay nasilip ko ang bahagyang pagngiti niya.

"Hoy, ngiti ba iyon?" nagugulat kong tanong, pasigaw. Pero sinara niya na ang pinto.


Feeling ko, mas aangat lalo ang hitsura nito kung ngingiti siya nang madalas.



Nakalight blue shirt siya at printed white short ang pang-ibaba ang suot niya nang lumabas. Basa pa ang buhok, mukhang hindi pa nasusuklay.


"Kailangan ba presentable kapag humarap sa Tita mo?" Hinagod niya lang ang buhok para mahing maayos tingnan.

Sumilip ang ngiti sa labi ko. "Bakit? Concern ka sa sasabihin ni Tita?"

"Ayaw kong mapagkamalang masamang tao. Isang buwan akong mag-i-stay rito." Pagpapaliwanag niya.
Humila siya ng upuan sa tapat ko.




I scanned him. "You look okay. Huwag kang mag-alala." Nagthumbs-up ako.

"You mean, guwapo?" tanong niya, hindi satisfied sa sinabi ko.



Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)Where stories live. Discover now