Chapter 2

0 0 0
                                    





Naalimpungatan ako nang may umalalay sa ulo at balikat ko but in a gentlest way.


"Anong ginagawa mo?"

"Nagbabayad ng utang na loob," simpleng sagot niya. At kahit inaantok pa ako ay hindi ko napigilan ang mapangiti.





Nagpatiayon ako. Mas maganda nga siguro, sumasakit na rin ang leeg ko. Mahaba-haba pa ang biyahe nang tingnan ko ang relos.



Hanggang sa may kamay na sumusuklay sa buhok ko. "What are you doing?" tanong ko pero hindi tumitinag sa pagkakahilig ko sa kanya.




"Combing your hair, and I like your hair," aniya sa tuktok ng ulo ko. "Pakakainin mo pa ako mamaya. Paunang bayad ko 'to."



"Masyadong intimate."




Tinigil niya ang pagsuklay sa aking buhok. "Should I stop?"






Umiling ako at binalik ang kamay niya sa buhok ko. "Comb my hair. We're strangers, anyway."





"Pagkatapos nito, tatak na ako sa isip mo."



May gumuhit na ngiti sa labi ko. "Hindi ako marupok. Makakatulog na ako, keep combing my hair," I urged.






Walang imik niyang binalik ang kamay sa pagsuklay sa buhok ko. Iyon ang naramdaman ko hanggang sa makatulog ako.




Naalimpungatan lang ako nang hindi lang leeg ko ang sumasakit kundi pati ang buong katawan ko na. Nasaan na ba ako? Napadaing ako nang umayos ako pag-upo. Pag-upo?


"What the..."


Ayun siya at masarap ang kain. Tumigil lang siya nang makitang gising na ako. "You're awake. Kumain na ako. Thank you."



"Talagang hinayaan mo akong mahiga rito? E, ang...dumi." Para akong maiiyak. Eww. Nanlagkit ang balat ko.


Sinulyapan niya lang ang braso kong may dumi at nagpatuloy sa naudlot niyang pagkain. "Hindi mo naman iyan ikamamatay."




Walang imik ko nalang inabot ang bag ko para kumuha ng wipes.


Natigilan lang ako nang makikuha rin siya ng wipes saka tinulungan akong magpunas sa braso ko hanggang sa matanggal ang mga dumi saka portion ng pintura na dumikit sa balat ko. "Okay na?" Saka niya inilagay ang wipes sa palad ko.





"Thanks."



"Yeah, right."


Tss.


Umayos na siya ng upo at inubos ang pagkain sa baunan ko. Nang matapos siya ay tinatlong lagukan lang niya ang laman ng minetal water. Siya na rin ang nagbalik ng baunan ko sa bag.



Himas niya ang tiyan nang sumandal siya. "I'm full."




"You're welcome," sabi ko nalang, iniisip ko nalang na nag-mi-mental thank you siya sa akin.





Maya-maya lang ay tanaw ko na ang isla na dadaungan namin. Binuklat ko ang lazy bag ko. Hindi ko namalayang nakamasid na pala sa akin 'yung lalaki.



"What was your name?" Tanong niya bigla. Ngayon pa siya nagtanong kung kailan busog na siya sa baon ko at nangangalay na ang balikat ko.



"Ngayon kapa nagtanong niyan?" Tanong ko habang pinupunasan ng wipes ang mukha ko. Oily na kasi iyon. Mamayang gabi nalang ako babawi sa skincare ko.

Beautiful Encounter (Beshy Series 1) Completed(To Be Pub)Where stories live. Discover now