Keira's POV
Nakakainis sya.
Ang sama ng ugali nya.
Alam ko namang childish ang naging reaction ko pero wala syang karapatan para sabihan ng ganon ang mga magulang ko.
Isa pa, hindi ko rin naman gusto tong nangyari sa min eh.
I am at the mall right now. Hindi ko alam kung bakit dito ako agad dumiretso. Well, I guess I don't want to be in the park right now. Sino ba kasi ang gugustuhing tumambay sa isang park nang tirik ang araw? Di ba wala.
I am strolling down the supermarket here inside the mall. Kahit madami kasi kaming stock alam ko naman na yung ibang ingredients para sa ibang lulutuin ko ay wala pa dun. Buti na lang talaga lagi akong may baon na wallet.
Meron nang meat, barbeque sticks, veggies.
Ano pa bang kulang? Nag stroll na lang ako ulit sa supermarket para makita ko yung mga hinahanap ko.
Sa sobrang tingin ko sa mga products, hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko. Yan tuloy nabangga ko sya ng cart ko."Ay, I'm sorry," sabi ko sa lalaking nabangga ko ng cart na dala ko. Patay! Nalaglag ko yung mga dala nya.
"Let me help you," yumuko na ko para tulungan sya. Ang kapal naman ng mukha ko kung pababayaan ko lang na iwan sya sa mga nalaglag ko di ba.
"No. It's okay," he said as he pick up his groceries.
"No. I insist," I pick up his things at napatingin ako sa nabangga ko, duon ko lang napansin kung sino yung nabangga ko.
"Nathan?"
He looked at me. Tama. Si Nathan nga.
"Keira, anong ginagawa mo dito?" he said, smiling at me habang kinukuha nya ang mga nahulog na cans of beer? Cans of beer? Mag iinuman ba sila? Akala ko ba pupunta sila sa amin?
"Mag-iinuman kayo?"
"Umm... yeah. Sa unit nyo."
"Ah... akala ko sa ibang lugar. Sige. Ilagay mo na lang lahat yan dito sa cart."
I help him put the cans and his other groceries in my cart.
"So? Ano pa lang ginagawa mo dito?" tanong sa kin ni Nathan as we are strolling for some groceries na kakailanganin ko.
"Well, obviously, namimili ako."
"With that outfit?"
Ha?
"What's wrong with my outfit?" I ask him.
"Well, mukha ka lang namang naglayas ng bahay nang walang ayos. Your clothes is, well, pambahay na pambahay, you're on your slippers and your eyes. Wait... Umiyak ka ba?"
"H...h..hindi ah. A...a..an...ano kasi, nangangati yung mata ko kanina kaya parang namamaga sya," pagsisinungaling ko. "Saka nagmamadali kasi ako kanina kaya ganito ayos ko. Hehe."
Ano ba tong pinagsasasabi ko? Kahit naman siguro mga nagmamadali na tao makakapag ayos pa rin eh. I can see that he nod. Mukha namang nauto ko sya sa pinagsasabi ko.
"Sino pala ang mga kasama mo?" tanong ko sa kanya.
"Sina Luke. Mas gusto kasi nilang mas maaga para alam mo na, mas maaga rin daw ang inuman," he let out a soft chuckle.
"Isa pa, gusto naming tumulong sayo na mag prepare ng foods. Baka kasi mahirapan ka kung ikaw lang mag-isa," he said thoughtfully. Buti pa sila ang babait. Yung kaibigan nila, ewan ko kung sinapian ba yun ng masamang espirito o natural na yung ugali nya na yun.
Pagkatapos naming kunin yung iba naming kailangan ay binayaran na namin yung pinamili namin at dumiretso na sa parking lot kung saan naghihintay sila Luke.
"Ako na nyan," sabi sa kin ni Lawrence as soon as makita nya kong maraming dala. I smiled at him and give some of the groceries.
Isa isa naming nilagay yung mga groceries sa kotse ni Hugo saka tumungo na sa condominium.
----------------------------------------------Sa wakas, nakarating na rin kami sa unit namin. Kasama ko pa rin ang mga kaibigan ni Zeth.
"Nandito ba si Zeth?" tanong sa kin ni Nathan nang makapasok siya sa loob ng kitchen. Wala kasi kaming Zeth na nadatnan dito nung pumasok kami sa unit.
"Hindi ko alam eh. Baka lumabas. Sandali lang ha, magbibihis muna ako." I smiled at him and he nodded to me. Nilagay ko na yung ibang plastic sa mesa saka pumunta sa kwarto.
Si Nathan lang ang pumasok sa kitchen at sila Luke, Hugo at Lawrence naman ay nagsimula nang manood ng DVD. Maya-maya darating na rin si Tori. So, I better be changing my clothes. Mamaya pagalitan pa ko nun eh.
Pumasok na ko ng kwarto namin at dumiretso sa walk in closet para makapagpalit ng damit.
"Saan ka galing?"
I slightly jumped to my surprise. Yung Zeth na hinahanap ng mga kaibigan nya ay nandito pala sa kwarto. Bakit nandito to? Kanina pa ba to dito? Bakit di ko sya napansin?
"Bakit ka nandito? Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo sa labas." I said coldly to him. Feeling ko unti unti ko na namang naaalala yung mga pinagsasabi nya sa akin kanina.
"Saan ka galing?" tanong nya ulit. Hindi ko sya sinagot at pinagpatuloy ko ang paghahanap ng damit.
"Answer my question, Celine," this time nasa pinto na sya ng walk-in closet at parang pigil ang galit. Magagalit na to, mamaya baka sumigaw pa to. Nakakahiya naman sa mga kaibigan nya kung maririnig kaming nag-aaway. Tinignan ko sya.
"Duon lang sa supermarket. Sa lugar na maraming tao at wala ka."
"Bakit bigla ka na lang umalis?"
"Hindi ba obvious? Naiinis ako sayo! Naiinis ako sa mga pinagsasabi mo sa kin at sa mga magulang ko." I continued looking for a shirt. Heto na naman. Naiiyak ako. Sabi nang ayokong umiiyak eh.
I heave a sigh to prevent the tears from coming.
"I'm sorry about earlier. Hindi ko dapat sinabi yun sayo." I looked at him. Ewan ko, pero parang hindi ako makapaniwala na nagsorry sya.
"I'm sorry about saying things to you and to your parents. I shouldn't have said that. Madami kasi akong iniisip kagabi kaya mainit ang ulo ko kanina. I'm sorry."
I looked into his eyes. Muka naman syang seryoso sa apology nya.
"Okay na. Apology accepted." I said, "Sorry nga din pala nung sinampal kita. Sorry din dahil pinipilit kitang lumipat ng kwarto."
"Its okay. I think we should renovate the office. Kung gusto mo talagang lumipat ako, lilipat ako. But it will take time to renovate the office, madami rin kasi akong naiwan na trabaho ngayon dahil nakaleave ako. So," he pause for a while and then continue, "Okay lang ba kung dito muna ako sa kwarto at makikitulog sa kama?"
Susme! Iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw kong iisa kami ng kwarto eh. Ang makatabi sya sa kama. Mamaya bigla yang tupakin, marape pa ko ng di oras eh.
Pero nagpaalam naman sya ng maayos eh. Mukang hindi naman nya ko rerape-in dahil wala naman syang interes sa akin.
"Sige. Ok lang. But, in one condition."
"What?"
"The right side of the bed is yours and the left side of the bed is mine. Kapag lumagpas ka sa boundary, hindi ako magdadalawang isip na itulak ka."
"What?! Eh, paano kung ikaw yung lumagpas? Itutulak din kita."
"Bakit mo naman ako itutulak? Eh sabi mo payag ka na akin tong kwarto."
He surrendered when I say that. "Fine. Fine. Magbihis ka na baka mamaya gutom na sila Nathan," sabi nya at lumabas na ng kwarto.
"Ayos yun ah. Ano ako katulong?" sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko ang favorite t-shirt ko at shorts. Mabuti pa ngang magbihis na ako para makapaghanda na ng makakain.
Teka nga, bakit ba ko pumayag na dito sila magsitambay? Hay nako naman.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Dream
RomanceOnce upon a dream, I met this guy. A guy who unknowingly put my world upside down. Will he ever return my world in right place? -----------------------