Chapter Two

136 2 1
                                    

Keira's POV

Nandito ako ngayon sa library at kasalukuyang naka look up sa mga libro. POTEK! Kanina alam ko kung anong kukunin ko, ngayon di ko na alam. Nakakasira talaga ng ulo kapag nalaman mong ikakasal ka na.

Life.. Life.. Life.. Life of Pi ba ang hinahanap ko?!

"Ugh! Ayoko na. Ikaw na ang maghanap. Nakakainis," sabi ko sa bestfriend ko nang pabulong.

"Just calm down lang kasi. Kung gusto mo pumunta ka muna dun sa may table. Idantay mo muna yang ulo mo dun para di ka mabuang," sinunod ko naman ang bestfriend ko. Pumunta ako sa may pinakamalapit na table at saka idinantay ang ulo ko.

Bakit kasi ako pumayag eh? Nabubuang tuloy ako.

Ano ka ba? Para naman yan sa company nyo eh.

Oo na.

"O, heto na," binagsak ni Tori sa harap ko yung libro.

"ANAK NG TINAPA! Life cycle lang pala!" Dahil dun, tinignan ako ng masama ng librarian at ng iba pang estudyante.

"Sorry," with peace sign. Peace be with you guys.

"Alam mo, isang linggo ka ng nabubuang dyan. Eh bakit pumayag ka pa kung ayaw mo pala?"

"Eh syempre. Pabagsak na ang kumpanya. Kailangan namang may gawin din ako noh. Ako rin naman ang mangangalaga sa company in the near future eh," pagrarason ko.

"Kelan mo ba mami meet yang "fiancé" mo?" Ang cute nya nung in-emphasize nya yung fiancé. Muka syang bunny. Swear!

"January 10," sabi ko sa kanya. "Ano bang date ngayon? Sa sobrang pag kabuang ko, nawala na ko sa kalendaryo," I asked while browsing on life cycle book.

Tinignan nya yung phone. "January 10," sagot nya sa tanong ko.

"Ah. January- JANUARY 10?! SERIOUSLY?! ANONG ORAS NA?!" pasigaw na pabulong kong tanong. Ang weird no? Meron ba nun?

"It's almost four. Why?"

"THE HELL! Wala pa kong masusuot. Wait lang ah. Bibili lang ako ng damit. Maiwan muna kita," I hurriedly get my bag. Naku po, 6 pa naman yung meeting ko dun sa "fiancé" ko.

"Wait up," hay naku.

---------

"Hay, Tori. Bakit ka pa kasi sumama?" tanong ko sa kanya. It's nearly 5 at namimili pa rin sya ng susuotin ko.

"Wanna know why, Keira? Because I don't trust your taste. Trust me. Malapit na kong makakita ng bagay sayo for this evening," sabi nya nang iabot sa kin ang cream colored sleeveless skater dress.

"Be sure. Dahil kapag ako nalate, sinasabi ko sayo, ako ang kikitil sa buhay mo," syempre joke lang yun.

Pagdating sa occasions talaga, ang bestfriend ko lang ang maaasahan ko. Bakit? Una, wala akong alam sa fashion. Pangalawa, baduy ako manamit. Lastly, laking mahirap lang ako kaya wala talaga akong alam sa mga ganyan at ukay ukay lang ang kaya kong iafford noon.

"Ayan, make up na lang at sapatos. I'm sure naman may babagay na sapatos dyan sa damit mo no. Ang dami ko kayang pinamili dati sayo na inistock mo lang," kasalanan ko ba yun? Eh, hindi ko naman tipo yung mga pinili nya sa kin. Well, magaganda naman kaya lang, iba kasi eh. Parang ang weird suotin.

"Sige na. Bayaran mo na yan. Hindi ka naman na mahirap eh. Mas mayaman ka pa nga sa kin eh," I rolled my eyes on her. Natawa naman sya sa kin.

Once Upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon