Keira's POV
Isang linggo na lang at bakasyon na ng mga estudyante. HUHU.
Kawawa naman kaming mga graduating students, hanggang tatlong linggo pa kami dito sa school.
Kung bakit pa kasi ang dami ko pang requirements na hindi pa naipapasa. Eh di sana ngayong linggo nakahilata na lang ako sa kama ko at nag-aantay ng graduation.
Chineck ko yung oras. Baka kasi kung anong oras na naman ako makauwi nito. Ang tagal na naman kasi ng prof na magtatak sa akin eh. Hindi pa natatawag pangalan ko.
"Manio!" sigaw ng prof ko then lumapit yung classmate kong lalaki.
Hay. Bakit pa kasi hindi na lang sya mag resign. Sabi naman nya napag tapos na nya lahat ng anak nya. Dapat nagpa pahinga na lang sya eh. Tsk. Tsk.
"Monteza!"
Tumayo ako sa silya ko nang marinig ko ang apelyido ko. Nang makalapit ako sa table nya ay ibinigay ko sa kanya yung papel ko na pinag lalagyan ng completion form.
Tinignan nya ang papel ko at ang record nya. Then tinignan nya ako na parang nakagawa ako ng krimen.
Woah! Ok? Anong ginawa ko?
"Hija, ano ba talaga ang apelyido mo? Monteza o Montenegro?"
"Po?" Napatangang tanong ko.
"Nakalagay kasi dito sa record ko, Monteza, Keira Celine. Pero ang nakalagay dyan sa binigay mo sa akin, Montenegro, Keira Celine. Baka naman mali yung ibinigay sa iyo na form. Baka sa iba yan."
Kinuha ko yung form ko then chineck ko kung totoo yung sinasabi ni Ma'am Tobias. Montenegro, Keira Celine Monteza.
Zeth. Zeth ka talaga. Sabi ko naman sayo ako na ang bahalang mag-aasikaso sa mga forms ko dito sa school eh.
Napa pikit na lang ako sa pagtitimpi.
"Ma'am, tama po yan," sabi ko nang ilapag ko uli sa mesa yung form ko. Kung di ko lang talaga yan ipapasa mamayang hapon, bababa talaga ako para papalitan yung pangalan ko eh.
"Aba't kelan ka pa naging Montenegro, Ms. Monteza?" gulat na tanong nya habang nilalagyan nya ng pirma ang completion of requirements form ko. Tsismosa tong prof namin na to ah.
"Ahh.. ehh.. Kinasal po kasi ako nitong February," pag-amin ko. Naku ka talaga, Zeth. Pasalamat ka talaga at nagpapakabait na ko sayo kundi najombagan na naman kita ng bonggang bongga.
"Tsk. Tsk. Mga kabataan talaga ngayon. Hindi naman kailangang madaliin ang lahat ng bagay eh," pagsesermon sa akin nung prof namin saka nya ibinigay yung form ko. "Good luck, hija. Sana lang at hindi mo madaliin ang pagbubuntis," dagdag niya then tinawag nya ang kaklase ko.
Believe me, Ma'am. Wala po akong planong magbuntis at hindi ko po ginusto ang mag-asawa ng maaga.
Bumaba na ko sa building namin at ipinasa yung form ko. Hay, salamat. Next week ko na lang aasikasuhin ang iba pang kailangan para sa graduation ko. For now, gusto ko munang magpahinga.
------
Hay Zeth, ang tagal mo.
7:30 pm na at nandito pa rin ako sa school. Sabi kasi nya dito ko na lang daw sya antayin eh.
Pupunta kasi kami ngayon kila mama. First time ko lang kasi makakauwi sa amin simula nung lumipat ako. Dapat talaga nung nakaraan pa kami nakauwi sa bahay, kaya lang masyado kaming naging busy dalawa. Kaya naman sinabi ko na lang na ngayon na lang kami pupunta at mag-i-stay kami sa bahay for two days para makabawi kila Mama.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Dream
RomanceOnce upon a dream, I met this guy. A guy who unknowingly put my world upside down. Will he ever return my world in right place? -----------------------