Chapter Three

138 2 0
                                    

Keira's POV

Halos isang linggo na rin magmula nang mameet ko ang demonyo kong fiance na si Zeth.
Hard ba masyado? Well, wala akong pakielam dahil tinawag nya kong rude nung tumawag sya sa kin.

Well, alam kong rude pero sino ba kasi ang matinong magtatanong kung sino ka kung ikaw naman pala ang tumawag? Abnormal ang tawag dun. Saka mas rude sya noh! Dahil sinabihan nya ko sa harap ng mga magulang namin. Hindi nya siguro alam ang salitang privacy.

I was currently strolling down the hallway when someone bump me. Jeez. Di tumitingin sa dinadaanan.

"Sorry," sabi nung nakabangga sa kin then tuloy tuloy syang tumakbo. Psh. Pa late late pa kasi eh.

"Narinig mo ba girl! Nandito yung campus heartthrob dati!" narinig kong sabi ng babae nung napadaan ako.

"Ha? Sino dun?"

"Si Zeth Montenegro saka si Hugo Santos, girl!" ZETH MONTENEGRO?! Anong ginagawa nya dito?

Sinundan ko yung dalawang nag uusap kanina na ngayon ay nagtatakbuhan na papuntang entrance.

Sinundan ko yung mga babae at pagdating ko sa entrance gate. Oh My Gulay! Ang daming tao, well especifically ang daming babae. Baka naman hindi si Zeth Montenegro na kakilala ko yung dumating. Himala kung pupunta yun dito di ba?

"Ayan na si Zeth saka si Hugo! WAHHHHH!"

"Hi Zeth! Hi Hugo!,"

"I love you ZETH!"

"I love you HUGO!"

May artista bang pangalan ay Zeth Montenegro? Mabuti pang tignan ko kung sino yung nandun. Nakisiksik ako sa crowd hanggang sa mapunta ako sa unahan. Actually, muka akong baliw dito. Imposible naman na pupunta yun dito eh. I was about to go back when I notice that my bestfriend was right next to me.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam eh. Nung narinig kong Zeth naintriga ako eh. Baka yun yung fia--," tinakpan ko yung bunganga nya. Hindi ko na sya pinatapos dahil kung may makarinig man ay baka mapatay na ko nang mga babae dito. Well, kung sya nga Zeth na pinagkakaguluhan namin dito.

"Nasan na pala yung Zeth?"

"Andun pa daw sa kotse kasama daw yung Hugo." infairness ha. May pagkachismosa talaga to.

"Bakit pa daw sila nasa kotse?"

"Ewan ko. Hindi naman ako fan no," tsk. Sabi ko nga.

"I LOVE YOU ZETH!" sigaw nung nasa likod ko.

"ANO BA ATE?! ANG LAPIT MO SA TENGA KO OH?!" bwisit eh. Inismidan nya lang ako at patuloy pa ring nagchicheer.

Maya maya ay may lumabas na lalaki sa black maserrati car, curly hair na medyo may pagka brown ang hair color at may magandang mata. Hmm.. heartthrob ngang masasabi. Sumunod ding lumabas ang lalaking medyo payat tignan, may magandang jawline, may matangos na ilong and beautiful lips. Hindi ko makita yung mata kasi nakashades eh.

"WHOOOOO! ZETH! HUGO!" sigaw ng mga babae. Tinanggal ng lalaki yung shades nya. Wait, parang kilala ko yan ah. OH CRAP! ANONG GINAGAWA NYA DITO?!

"O, bes. Alam kong mga gwapo pero konting poise pwede?" sinara nya yung nakanganga kong bibig.

"S-s-sya! Sya si Zeth Montenegro na sinasabi ko sayo," pabulong kung sinabi kay Tori.

Once Upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon