Keira's POV
Hay! Grabe naman tong pinapagawa ni Zeth. Parang pang veterans na tong pinapagawa nya eh.
Kailangan ko kasing gumawa ng bagong concept para i-promote ang bagong project ng Montenegro. Ang matindi pa dito kailangan nya ng presentation ko sa makalawa. Hay! Nababaliw na ko! Kung kailan kailangan ko ng ideas and creativity, ngayon naman sya nawala.
Nabuntong hininga na lang ako at tinignan si Zeth na nakabantay sa akin.
Ano ba naman tong buhay na to? Sabi ko sa kanya babayaran ko sya gamit yung pera ko tapos dito ang naging bagsak ko. Sa kumpanya pa nila ako magtatrabaho. At mukhang pera pa ng kumapanya na to ang ipangsasahod sa akin.
Hindi.. Hindi bale. Kapag pinaghirapan ko naman yung pera na yun magiging akin na rin yun eh. Tama. Lets just think it that way para hindi ka panghinaan ng loob.
Pinagpatuloy ko na ang pinagagawa sa akin ni Zeth. Mahirap na baka hanapan nya ko ng draft eh.
Ilang oras lang ay natapos ko na rin ang draft. Agad kong pinasa to kay Zeth para makita nya.
"What?" masungit na bungad nya sa akin nang pumasok ako sa office nya.
"Ibibigay ko na sana yung draft ng pinapagawa mo."
Nilahad nya ang kamay nya at iniabot ko ang folder na naglalaman ng draft ko.
Kinakabahan ako. Pag sa mga ganitong bagay alam kong mahigpit sya eh.
Kumunot ang noo nya bigla na mas lalo ko pang ikinakaba. Maya maya pa ay nagulat ako sa ginawa nya. Feeling ko nakaramdam ako ng shock sa buong katawan ko.
"B-b-bakit mo naman tinapon sa basurahan yung draft na ginawa ko?"
"Simple lang, your draft was a trash. Marami nang nakagawa nyan. Make another one."
Napahinga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko sa ginawa nya.
"Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang sa akin kung hindi mo naman pala nagustuhan?"
"Why would I give it to you? Ah! So you can make another trash? I know what you will do to that draft. Just make another."
Nagbalik sya ng tingin sa ginagawa nya sa pc nya. Feeling ko napahiya ako sa kanya. Feeling ko tuloy ang bobo ko sa harap nya. Nakakasama sya ng loob.
Unti unti ko nang nararamdaman na paiyak na ko kaya naman umalis na ko agad ng office nya.
"Ma'am Celine, nandyan po ba--"
Hindi ko na pinatapos ang katrabaho ko at nagsalita ako agad. Gusto ko na lang pumunta ng CR at dun umiyak sandali.
"Nandyan sya pumasok ka na lang."
Nilapag ko ng draft ko sa table ko at hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa gustong bumagsak.
Ano bang trip nya sa buhay? Yan na lang ang natanong ko sa sarili ko.
Hindi. Baka ganyan lang talaga sya. Sa bahay naman siguro iba sya, di ba?
Inalo ko na lang ang sarili ko para maging matatag sa nangyari. Ayoko kasing magmukmok na lang sa nangyari at maglinger dun. Sasama lang ang loob ko. Ako rin ang talo kung magpapaapekto ako.
Pinunasan ko ang luha ko at nag isip ulit ng bagong proposal.
Nakatunganga lang ako buong hapon sa computer ko para gumawa ng bagong proposal. Tinapik ako ng isa kong katrabaho.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Dream
RomanceOnce upon a dream, I met this guy. A guy who unknowingly put my world upside down. Will he ever return my world in right place? -----------------------