Chapter Fifteen

37 0 0
                                    

Keira's POV

"... Congratulation, graduates!" Iyan ang katagang kanina ko pa hinihintay mula sa director ng school na to.

YESS!!! Graduate na ko!

Unlike sa mga napapanuod nyo sa tv, hindi namin tinapon ang cap namin. Takot lang namin. Saka kung pwede naman, ibabato ko to sa mukha ng mga nang api sa akin na professor. Joke.

Mula naman sa unahan ay nakita kong sinisipat ako ni Tori. Nang makita nya ko ay winagayway nya sa akin ang diploma nya. I just smiled at her.

Hay. Salamat. Tapos na rin ako sa pag aaral. Ang sarap sa feeling. Yes! Graduate na ko! I can definitely feel it! Hahahaha.

"Congratulations, anak!" Bati sa akin ni Mama at Papa. Aww!

"Thank you, Mama. Thank you, Papa," then I hugged them both. Kung hindi dahil siguro sa kanila, hindi ako makakatapos. Thank you Lord for giving me back to my true parents. Thank you Lord for the blessings.

"Anyway, anak. Zeth's parents want the both of you to have an stay to their house. They also invited us to dinner. Sabihin mo na lang sa asawa mo. Okay?" Sabi ni Papa nang magkalas kami sa pagkakayakap.

"Okay po." Somewhere from the crowd, I saw my husband making his way through. Nang dahil sa kasikatan nya at angking kagwapuhan nya ay pinagkakaguluhan sya ng mga babae. That's what his talking about, the "they're the ones whose flirting me" talk. Tss. Sya na!

"Papunta na pala ang asawa mo dito. Sabay na lang kayo, hija. Kami ni Mama mo ay maghahanda na para sa dinner mamaya."

Nang makarating na rin si Zeth ay nagpaalam na sila Mama sa amin.

"Halika na," pag aaya ni Zeth. He hold my hand and we walked through the crowd. Ano pa bang magagawa ko? Eh kasama to sa agreement namin eh. Ang magpanggap na masaya, sweet na mag asawa. Pero sa totoo lang, ang sarap palang mahawakan ang kamay nya.

Nang dahil sa mga babaeng gustong magpapicture sa kanya ay nahirapan kaming makarating sa lugar kung saan nakapark ang kotse nya.

"Keira!" Tawag sa akin ng kung sinuman mula sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Tristan na naglalakad papunta sa amin at may dalang bulaklak. Tinignan ko si Zeth na kasalukuyang papasok ng kotse.

"Buti naabutan pa kita," sabi nya. "For you." Inabot nya sa akin ang dala nyang flowers. Wow. Pink carnation. Favorite ko pa ah.

"Thank you. Nag abala ka pa."

"Well, it's your graduation day. Hindi naman kita maaaya sa dinner kasi alam kong may dinner kayo ng family mo," he said in a very thoughtful way. Ito ang pinakagusto ko sa kanya. Ang pagiging thoughtful nya. Ano bang meron sa akin at hindi ko to sinagot? I mean, gwapo sya, mabait, matalino at higit sa lahat kinukonsidera nya ang damdamin ng iba kesa sa sarili nya. Hindi tulad ng tao na nasa loob ng kotse ngayon.

"Pati yun alam mo ah," biro ko kay Tristan.

"Oo naman," he step closer to me. "Sige na. Inaantay ka na ng asawa mo sa loob. See you soon." He kissed me on my forehead then he left. That's very normal for him to kiss me on my forehead, mas friendly daw tignan. Well, I don't care. Kaibigan ko naman sya eh.

Pumasok na ko sa kotse and I suddenly feel that there is something wrong with Zeth.

Nilagay ko ang mga bulaklak sa back seat saka naglagay na ako ng seatbelt. I looked at Zeth, who is currently staring blankly at his phone. Siguro may problema na naman sila nung girlfriend nya. Sa mahalagang araw ng asawa nya, girlfriend pa rin nya iniisip nya.

Once Upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon