Chapter Nine

69 1 0
                                    

Keira's POV

Nasa kalagitnaan na ang discussion ng prof namin at kahit na isa wala man lang akong naintindihan sa prof ko.

Nakakainis kasi tong halimaw na to eh. Panay utos. Kesyo maglinis daw ako ng office nya at mag ayos ng files nya sa cabinet nya.

Gabi na ko natapos dun at ang malala, nung matutulog na ko inutusan naman nya ko na magtype ng pagka haba habang document. Hindi ko alam kung para saan yung tinype ko na yun, basta ang alam ko lang ay kailangan kong matapos lahat. Grabe! Ang dami nyang utos. Kung ako magiging assistant nya baka mag resign na ko agad eh.

"Psst!" sitsit sa kin ni Tori sa may gilid ko.

"Bakit?" bulong ko naman sa kanya.

"Tapos ka na ba sa project mo kay Sir?"

"Hindi pa eh. Bakit?"

"Di ba sabi mo gusto mong magpasa this week? Interviewhin mo na yung asawa mo."

"Ayaw pa nga eh. Alam mo naman yun, feeling gwapo. Nagpapachix pa," bulong ko sa kanya.

"Eh gwapo naman talaga asawa mo eh. Ang hot pa," bulong nya sa kin.

Nang dahil dun napatingin ako sa kanya ng masama. Yung tipong sya na ang maghuhukay ng hukay nya.

"Peace," sabi nya with peace sign.

"Pero mas bet ko yung Hugo," dagdag pa nya.

"Bakit naman?"

"Ewan ko. Feeling ko kasi kahit parang flirt syang lalaki, feeling ko mabait sya."

"Oo. Mabait talaga," pagsang-ayon ko sa kanya. Asawa ko lang naman ang feeling ko na halimaw sa kanilang magkakaibigan eh. Hindi pala feeling. Totoong halimaw pala.

Maya maya pa'y may mga nagtitilian na mga babae sa labas ng corridor namin.

Napatingin kami halos lahat sa professor namin na kasalukuyang dumudungaw sa labas na unti-unting napupuno ng mga usisero't usisera.

Sino kayang nasa labas? May artista na naman bang dumating? Weird ha.

Pero mas weird ang professor kong babae. Infairness naman sa kanya, hindi nya man lang sinaway yung mga nagtitilian sa labas. Usually kasi kapag naiingayan sya, sinasigawan nya na parang ang tanda-tanda na nya yung mga maiingay sa labas. Samantalang bata pa yan. Mga siguro nasa mid 20's, ganun.

Siguro mga dalawang minuto ng nakadungaw si Ma'am nang may lumapit na lalaki sa room namin na nakapang business attire.

"Good afternoon, Ma'am. I just want to fetch Mrs. Montenegro. Is she here?"

"Wh-wh-who's Mrs. Montenegro?" bwahahaha tiklop tong si Ma'am ha. Nauutal pa. XD

Dumungaw yung lalaki sa buong klase namin at... at.. at..

SHEMAY!!!! SI ZETH!!!

Kinuha ko agad yung bag ko at nag pretend na may hinahanap sa bag.

SHEMS! Ano na naman bang naisipan ng lalaking to? Bakit kailangan pa nyang pumunta dito sa school namin?

"Hmmm... That one who's currently pretending to find something on her bag," bigla kong naramdaman na siniko ako ni Tori. Pero dahil matatag ako, hindi ko hininto ang pagkukunwaring pagkalkal ko sa bag ko.

Ayokong magpakita sa mokong na yun. Mamaya may iutos na naman sa kin yun eh.

Sa buong pagkakalkal session ko ay nakikiramdam lang ako sa paligid ko.

Once Upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon