Saan na to patungo?
Isip ko'y hindi na alam ang sagot sa mga tanong
Puso ko'y nag dadalawang desisyon sa nararamdaman na mismong ako ay naguhuluhan
Ano ka ba talaga sakin?
Isang tanong na hindi ko alam kung bakit grabe ang epekto sa akin
Isang tao na hindi ko alam kung bakit nag bibigay sakin ng kakaibang pakiramdam
Maibabalik pa ba?
Mga sandali nating dalawa kakalimutan na nga lang ba talaga?
Mukhang malabo na dahil hindi ko na alam kung ano ang iyong nararamdaman
Hindi ko na alam kung ang puso mo ay may iba ng nilalalaman
Sa tuwing na iisip ko ang mga salitang aking binibitawan mas lalong gumugulo
Nag papakalunod sa mga maaring mangyari sa tuwing dumadaan sa aking isipan na baka nga ikaw ang sinisigaw ng puso na hindi ko na maintindihan
Sana ay hindi lamang ito isang laro ng tadhana
Sana ay malaman na ang mga kasagutan at hindi na maguluhan
Please do not copy without the author's permission
BINABASA MO ANG
Tula para sa'yo
PoetryMga tulang pinagtugma tugma Mga salitang hindi alam kung saan nag mula Baka nga'y naawa lang sakin si tadhana Kaya't ako'y kanyang pinagtula Upang malimutan ang pag kabiyak Ng puso ko na dahilan ng aking pag iyak. "Kumpleto na ito ngunit nag pap...