"Larong digmaan"
Umpisahan ang paligsahan, patatagan ng kalooban sa kakaibang kapaligiran
Isa, isang beses ka lang nag tama sa panigin ng iba nakakawasa na pero ganyan sila
Dalawa, dalawamput pitong tyansa pero teka sobra pa hindi ko na alam basta't ang alam kong ako'y lumaban
Tatlo, tatlong beses pinilit kulayan ang mundong binabalot ng kadiliman ngunit hindi talaga tinatablan
Apat,nag dadalawang isip baka hindi na kayanin, hindi na mahanap ang mga kagamutang gagamot sa mga sugat na natami sa pakikipag laban.
Lima, pinilit na hinila ang buong katawang puno ng mga katanang ng galing sa kanila.
Anim, bigla silang nawala sa aking paningin, dinaraanan ko'y biglang nag lalaho
Pito, hinahabol ng liwanag gusto kong huminto at sumama ngunit alam kong hindi dapat kaylangan kong lumaban
Walo, akala ko'y malapit na ko sa dulo pero marami pa palang sandatang naka abang sa daraanan ko
Siyam, tuluyan ng bumigay ang aking buong katauhan nakita ko na lamang ang sarili kong duguan.
Sampu, tuluyan ng sinakop ng liwanag ang aking mundo narito na lamang ako at pinag mamasadan ang mga taong inasahan kong makakapag ligtas sa akin sa kadilimang nilabanan ko.
Hanapin mo na ko hindi sa mga puno o sa mga sulok. Hanapin mo ako sa itaas ng mga ulap.
Do not copy without the author's permission
BINABASA MO ANG
Tula para sa'yo
PoesieMga tulang pinagtugma tugma Mga salitang hindi alam kung saan nag mula Baka nga'y naawa lang sakin si tadhana Kaya't ako'y kanyang pinagtula Upang malimutan ang pag kabiyak Ng puso ko na dahilan ng aking pag iyak. "Kumpleto na ito ngunit nag pap...