Ako naman
Ako ang nasa tabi mo ngunit siya parin ang hinahanap hanap mo
Ako ang kausap mo ngunit siya naman ang bukang bibig mo
Mahirap dahil pakiramdam ko pinag sisiksikan ko lang ang sarili ko sayo
Misan pakiramdam ko isa akong pulube na ng lilimos ng oras at atensyon mo
Lagi nalang siya ang iniisip mo
Lagi na lang siya ang bukang bibig mo
Lagi na lang siya
Nandito naman ako pero siya parin ang hinahanap hanap mo
Bakit ganon? Hindi pa ba ko sapat para sayo
Puwede ba ako muna
Ako naman kahit saglit lang
Nakikiusap ako muna kahit ngayon lang
Ako muna puwede ba?
Please don't copy with out the author's permission
BINABASA MO ANG
Tula para sa'yo
PoetryMga tulang pinagtugma tugma Mga salitang hindi alam kung saan nag mula Baka nga'y naawa lang sakin si tadhana Kaya't ako'y kanyang pinagtula Upang malimutan ang pag kabiyak Ng puso ko na dahilan ng aking pag iyak. "Kumpleto na ito ngunit nag pap...