Laro ng pag ibig
Isang laro na buhay ang naka taya
Isang laro na kung saan dapat ika'y handa
Isang laro na hindi mo inaasahang kasali ka na pala
Isang laro na hindi mo akalaing nilalaro mo na
Laro na pag ibig na nakakabaliw
Hindi mo akalain bigla na lamang darating may nag tatagal at may roon ding hindi
May nag aaway at nag babati
May nag away at nag hiwalay sa sobrang hapdi
Ang laro ng pag ibig ay nakapende sa mga tao kung ika'y kakapit maaring mag tagal
Ngunit kung ika'y bibitaw para saan pa ang lubid na inyong pinanghahawakan isama na lang rin natin ang may iba pang kinakapitan
Laro ng pag ibig na hindi mo akalaing lalasunin ka
Ito'y nakakaadik na maraming hindi kinaya
Ito'y kakaiba na tila maraming nag aantay sumubok
Para itong maliliit na alikabok na pupunta sa mga sulok hindi mo namamalayan na ang puso mo'y kanya ng tinutusok
Aanuhin pa ang palabok kung walang itlog
Aanuhin pa an laro kung nag lolokohan lang din kayo
Aanuhin pa ang tinola kung sa umpisa palang ay talo ka na
Aanuhin pa ang larong ito kung ito'y nagiging biro
Aanuhin pa ang pag ibig kung ang inibiig mo'y tatlo
Please do not copy without the author's permission

BINABASA MO ANG
Tula para sa'yo
PoésieMga tulang pinagtugma tugma Mga salitang hindi alam kung saan nag mula Baka nga'y naawa lang sakin si tadhana Kaya't ako'y kanyang pinagtula Upang malimutan ang pag kabiyak Ng puso ko na dahilan ng aking pag iyak. "Kumpleto na ito ngunit nag pap...