Tula 100 "Baka"

32 3 0
                                    

Baka

Sa isang daang tula na nilikha para sayo,

Mababasa mo kaya kahit isa sa mga pahina nito?

Mararamdaman mo kaya ang mga emotion sa bawat salita

Maiisip mo kaya na mag tanong kung para sayo ba ito?

Nag babakasakaling mabasa mo ito at maalala ang nakaraan nating dalawa

Nag babakasakaling mabasa mo kahit isa sa mga pahina nito at malala mong naririto parin ako

Sana pala'y sinabi ko na lahat bago ka pa mag laho sa piling ko sinta

Marupok na kung sabihin ng iba pero hindi ka nila nakilala tulad ng pag kakilala ko sayo mahal,

Tatangapin kita sa kahit anong oras, taon, segundo, o kahit na minuto.

Kung sakaling maalala mo ako, malala mo at maramdaman na mahal mo pa ako

Alam mo kung na saan ako,

Kung maisip mo man kung bakit hindi kita malimutan,

Ang tanging kasagutan ay mahal kita

Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita

Paulit ulit sasabihin hindi mag sasawa hanggang sa magising ako na ikaw muli ang kapiling

Pero kung sadyang masaya ka na ay wala ng magagawa pa kundi tangapin at palayain ka na.

Please do not copy without the author's permission. 

AUTHOR MAE:

Aking mga minamahal na Rosas,

             Umabot na ng dalawang taon ang aking pag susulat ng mga tulang ito, umabot na sa isang daan ang mga tulang nandito.

Bawat isa sa mga pahina ng librong ito ay may isang tao akong tinutukoy, sa bawat tula na aking sinusulat ay ipinapahayag ko ang nararamdaman ko para sa isang taong ito.

Sa mga tulang aking isinulat halo halong emotion ang ipinapahiwatig, kada pahina ay iba-ibang kuwento ang nilalaman.

Hindi dito natatapos ang mga tulang ito, mag papatuloy ang pag susulat ng tula ngunit bagong umpisa.

Maraming salamat sa inyong supporta sa aking akda nawa'y hindi kayo mag sawa sa aking mga gawa.

             - Author Mae

[Upadate]

More poems? "Tula mula sa puso" is now publish!

Tula para sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon