Tula 85 "utak"

36 2 0
                                    

"Utak"

Utak ko'y punong puno ng mga salita na nag pupumilit na kumawala.
Ang sakit na nadarama ay mas lalong lumalala.
Isama pa natin ang mga luha kong sunod sunod na tumatagaktak.

Sobrang gulo ng mundo, gusto ko na lang tumalon sa dagat, mag paanod  habang pinapanood ang pag lubog ng araw na kasabay ng pag labas ng buwang kumikinang.

Sumabay sa lamig ng hanging dumadaplis sa aking mga balat.
Yayakapin ang sarili't sisigaw sa kawalan.
Hahayaang pakawalan mga salitang tinatago mga salitang aking dinadamdam.

Mag lalakad sa buhagin na tila ba nakakausap ko ang kapaligiran.
Titingin sa mga bituwing kumikinang hahayaang tumulo ang mga luhang aking pinipigilan.

Tula para sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon