Chapter 44

50 6 1
                                    

Kevin POV

Psssst psssst. napalingon ako kay juno na nasa kabilang kama.

Tara na. mahinang sabe niya lumapit ako sa kanya at sumenyas na wag maingay dahil tulog na si achilles.

Nasa may pinto na kame ng biglang gumalaw si achilles sabay kameng yumuko at nagkauntugan pa kameng dalawa natatawa kame pero hindi kame pwedeng gumawa ng kahit ano mang ingay sumakit tuloy yung tiyan ko ang hirap nun ah tumatawa ng walang sounds.

Gago ang dilim. si juno

Ano silbe ng cellphone mo? tanong ko

Oo nga noh tara na. dahan dahan kameng naglalakad at tumitingin sa paligid baka kase may gising pa lalo na ang mga hunter kaya nakiramdam ako kung may tao pa sa paligid.

Ano may gising pa ba? mahinang tanong ni juno sa akin nakatago kase kame sa gilid ng kubo.

Wala na kong nararamdam tara na. nasa harap na kame ng kweba kinakabahan ako ano kaya nasa loob nito.

Pumasok na kame at binuksan namin yung flashlight ng cellphone namin. Ang tahimik sa loob tanging patak ng tubig lang ang maririnig mo sa loob.

Par oh may naka ukit Isigani Imperial parang pamilyar diba ayan yung nakalagay sa puno sa garden nila ash. tumango ako sa kanya at sumenyas na wag maingay.

Par espada at pana oh. sabe ni juno kaya lumingon ako sa itinuro niya base sa itsura nito mukang ito ang armas na tanging mga Alas lang ang pwedeng gumamit napapaligiran ito ng apat na matutulis na kahoy at may nakaukit sa itaas.

Ganda nung mga nakaukit par oh ace of spade, heart, diamond at club. akmang lalapit si juno sa armas kaya pinigilan ko ito dahil sabe sa akin ni deathnote bawal yun hawakan ng kung sino man tanging Alas lamang ang pwede humawak sa armas na yon.

Par wag!. nahawakan ko ang kamay niya at pareho kameng nagulat sa narinig namin.

Tang ina ano yun? ang lalim naman ng hinga nun. si juno

Par i think kailangan na natin umalis baka may wild animals dito. sabe ko

Gago wala tayo sa gubat. aniya

Tara na baka may ma----makakita sa a---atin. na uutal kong sabe habang nakaturo ang mga nanginginig kong daliri sa likod ni juno.

Ano yun par parang gago naman nananakot pa. lumingon si juno sa likod niya at wala pang segundo tumakbo ito agad habang ako ay na iwan mag isa dito dahil natulala ako pero bumalik din agad si juno para kaladkarin ako palabas.

Gago ka anong tinutunganga mo diyan tara na. hinatak niya ko palabas ng kweba sumisigaw kame ng tulong bago kame kainin ng buhay nitong dalawang naglalakihang Leon.

Nakita namin si Achilles kaya ng makarating kame sa kinatatayuan niya hinatak namin ito dahil natulala na din siya pero na out of balance kameng tatlo hindi kame makatayo nagmamadali kameng gumapang narinig ko ang malalim na paghinga ng Leon kaya ipinikit ko na lang mata ko dahil nanghihina na ang paa at tuhod ko.

Chase!
Huntley!

Dumilat agad ako ng marinig kong may ibang tao na sa paligid. Chase Huntley Stop. sabe ni ash at kumalma agad ang mga galit na galit na Leon lumapit kay kuya aakil ang kulay puting Leon samantalang yung kulay ash brown na may peklat sa mata naman ang tumabi kay ash nakakatakot siya Huntley ata ang pangalan niya.

Lumuhod si ashleigh sa buhangin para magpantay sila ni Huntley at lumapit din si Chase sa kanya sabay silang yumuko sa harap ni ash hindi sila nag aangat ng ulo nakatingin lang sila sa buhangin.

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon