Chapter 23

55 6 0
                                    

Rain POV

Nagtext ako kay Uno na siya ng bahala sa mga nahimatay na Daican sabe ko ibalik niya sa mansion ng mga Daican wala siyang papatayin ligtas niyang ihahatid ang lahat.

Matapos ang nakakapagod na gabing iyon mabilis akong nakatulog dahil sa pagod. Sumapit ang umaga at ganun pa rin ang eksena kumakatok si cash sa pinto ng kwarto ko kaya gumising nako.

Nandiyan na yung manliligaw mo. mataray na sabe niya. naghilamos muna ko bago pumunta sa kusina nakita kong nakaupo si achilles at binigyan siya ng plato ni cash.

Sorry girls wala kong dalang food ako pa makikikaen dito hindi ko alam kung anong gusto niyong almusal eh. aniya

Ang ingay mo kumaen ka na lang. sabe ni cash nakahawak lang si achilles sa kutsara at tinidor niya.

Oh ano ayaw mo? tanong ni cash

Ano ito? itinuro niya yung cornbeef.

Cornbeef na may kamatis masarap yan wag kang maarte wala bang ganyan sa inyo?. tanong ni cash

Ngayon lang ako nakakita ng ganyan steak kase madalas lutuin ni mommy sa umaga ganyan pala itsura ng cornbeef. sabe ni achilles inirapan lang siya ni cash kumuha si achilles ng cornbeef at tinikman ito

Masarap pala to papaluto nga ako nito kay mommy. aniya

Syempre ako nagluto masarap talaga yan kaya nga favorite yan ng ngot mo. tiningnan ako ni cash at inirapan niya ko samantalang natawa naman si achilles

Achilles POV

Cash sabay ka na sa amin.

Wag na kaya niyo ng dalawa yan. sabe niya at pinaharurot ang kanyang motor binuksan ko yung pinto ng kotse ko at inilalayan kong sumakay si ash

Bukas birthday na ni Juno susunduin kita dito sa condo niyo.

Ok. sagot niya

Cute mo talaga kunin mo yang box na yan para magkaron ka ng energy pinagawa ko kay mommy yang brownies tumulong ako gumawa niyan. sabe ko

At anong itinulong mo? tanong niya

Ako naglagay sa box. natatawang sabe ko tiningnan lang niya ko na parang wala kong kwentang bagay

Tss oo na next time pag-aaralan ko gawin yang brownies na yan para sayo. sabe ko sa kanya napangiti ako ng makita kong suot niya yung kwintas na binigay ko sa kanya.

Nang makarating kame sa school kinuha ko yung bag niya. Ako na. sabe ko balak niyang agawin sa akin yung bag niya pero hindi niya nagawang agawin sa akin dahil muntik ng matapon yung brownies niya.

Mapapatay talaga kita pag may natapon na isa dito. sabe niya sa akin kaya natawa ko

Matakaw na cute. sabe ko at kumaripas ako ng takbo dahil hinahabol niya ko at alam kong malilintikan ako kapag naabutan niya ko.

Hinihingal akong umupo sa upuan ko at ang lahat ay nakatingin sa akin tumayo ako at inilipag ang bag ni ash sa upuan niya at dumating na si ash na ang sama ng tingin sa akin sa kanya naman ngayon nakatingin ang lahat base sa mga tingin niya sa akin ngayon alam kong buo na ang loob niya para paslangin ako buti na lamang dumating si Ms.Delfin

Ashleigh? umupo ka na at magkaklase nako. sabe ni Ms. Delfin kaya nakasimangot na umupo si ash sa kanyang upuan nakangiti akong nakatingin sa kanya samantalang ang mga kaibigan namin ay nakatingin sa akin at alam kong iniisip nila na baliw na ko hayaan mo na totoo naman baliw na ko kay ashleigh.

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon